Andrea Torres hinangaan sa pagharap sa ‘hamon’ ni Marian
DESPITE the hoopla and the pralala, ang dapat sana’y bagong TV assignment ni Mrs. Dingdong Dantes na tumatalakay sa buhay ng mga OFW has turned into a fantaserye of sorts.
Too bad, hindi talaga “itinadhana” para sa kanya ang programang ginastusan na ang early promo blitz perhaps for the management to rea-lize it wasn’t right up her alley.
Eh, kasi naman, pinaiingay pa lang ang nasabing proyekto like someone greeting the world, “Hi, tadhana!” ay nagmistula na itong “Hitad-hana” with emphasis on the word “hitad”!
Sa pinasilip pa lang kasing teaser nito, maano ba naman kasing umupa ng speech tutor ang production team na ito para maiwasan ni Mrs. Dantes na magkamali sa pagbigkas ng letter “F” in the acronym?
Sukat ba namang ipagbanduhan niya na ang tema’y umiikot sa buhay ng mga “Oh-Ep-Double U,” eh, kahit ang mga pinag-aaral na anak ng mga OFW parents sa mababang paaralan ay madidismaya na.
Kaso, the one replacing the OFW-inspired program is one of irony!
Sa pamagat at pamagat pa lang ay guro ang papel na gagampanan ni Mrs. Dantes na may pambihirang kapangyarihan. Ewan kung kasama sa superhuman powers na ‘yon ang turuan ang kanyang mga estudyante sa kuwento ng wastong pagbigkas ng mga alphabet letters and words in English!
Siyempre, living up to her title na iginawad sa kanya ng GMA ay isasalpak ang pamalit na show na ito sa primetime block. But Mrs. Dantes should not be complacent much less confident that her show will lord over the ratings considering na mabibigat ang lahat ng mga programang babanggain nito sa kabilang istasyon.
Eh, sa title na title pa nga lang ay mas pasok ito sa banga sa hapon, just when the kids hurry back home from school. But for sure, they’d rather do their assignment in English particularly on speech!
q q q
And so if kumawala na si Andrea Torres sa pangangasiwa ng Triple A shortly after nabalitang pinaringgan siya ni Mrs. Dantes?
We don’t necessarily like this girl who strikes as a doppleganger of Ciara Sotto, pero bilib kami sa kanyang pagiging edukada at ‘di-mapagpatol sa mga isyu which would only make her appear nega in the eyes of the public.
Nu’ng kasagsagan ng isyu sa kanila ni Mrs. Dantes—na alam naman nating borne out of the latter’s jealousy na wala namang basehan—Andrea had chosen to brush it aside. Itinanggi pa nga niyang may ganu’ng insidente na nasaksihan naman ng ilang tao turned off, if not disgusted by Mrs. Dantes’ uncouth behavior.
Para na lang disimulado ang lahat, Andrea had quietly sneaked out of her management office. Malaya na nga naman siya, wala na siyang pakikisamahang co-talent sa iisang tanggapan na posibleng merong tinitingnan at tinititigan.
Upon her exit ay naging kahanga-hanga pa si Andrea, iba talaga ang well-bred na ginagamit ang kanyang pinag-a-ralan. Again, it provides another ironic aspect to it. Si Mrs. Dantes who claims to hold a degree in BS Pschology (remember her classic line, “Psychology ako!”?) is less of a discerning person toward other people, si Andrea pa nga kung tutuusin ang mas nagtapos ng kurso on behavioral science.
Further proof of Andrea’s positive career outlook ay ang pagiging isang tunay na pro who sets aside trivial personal issues.
The biggest irony is that one’s outward looks are not reflective of what lies within.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.