Bela Padilla gaganap na kubang rape victim sa MMK | Bandera

Bela Padilla gaganap na kubang rape victim sa MMK

Ervin Santiago - July 14, 2017 - 01:15 AM

BELA PADILLA

TINANGGAP ni Bela Padilla ang isa na namang mapaghamong role sa Maalaala Mo Kaya na mapapanood ngayong Sabado sa ABS-CBN.

Bibigyang-buhay ni Bela ang karakter ni Melanie na naging kuba matapos maaksidente nu’ng bata siya.

Ngunit sa kabila ng pangungutya at panlalait sa kanya ng ibang tao, nanatiling positibo ang pananaw niya sa buhay.

Nagsimula ang mas matinding paghihirap ni Melanie nang iwan sila ng kanyang ama at sumama sa ibang babae. Dito mas pinagsikapan niya na mapaganda ang buhay nilang mag-ina kaya nagdesisyon siyang lumuwas ng Maynila at doon magtrabaho.

Ngunit isa na namang pagsubok ang kailangang harapin ni Melanie nang malaman niyang may malubhang sakit sa kidney. Pinaluwas na rin niya ang ina sa Maynila para personal niya itong maalagaan. Kahit hirap na hirap, patuloy na lumalaban sa buhay ang dalaga para matugunan ang pangangailangan ng kanyang nanay.

Tila ayaw naman siyang tantanan ng pagbibiro ng tadhana dahil habang naghihirap sa kalagayan nila ng kanyang ina, ginahasa naman siya ng isa niyang kasamahan sa trabaho. Nais sana niyang lumaban at ipakulong ang kanyang rapist ngunit nakatakas na ang lalaki.

Nagbunga ang panggagahasa kay Melanie at kasabay nito, namatay din ang kanyang pinakamamahal na ina. Halos mabaliw na ang dalaga sa sunud-sunod na pagsubok na dumating sa buhay niya kaya naisipan na niyang magpakamatay.

Sino ang magsisilbing “anghel” sa buhay ni Melanie na siyang pipigil sa tangkang pagsu-suicide? Paano niya malalampasan ang mga kamalasan at trahedya sa kanyang buhay?

Buhayin kaya niya ang sanggol sa kanyang sinapupunan na laging magpapaalala sa ginawang kahayupan sa kanya?

Makakasama rin ni Bella sa espesyal na MMK episode na ito sina Mutya Orquia as young Melanie, Miel Espinoza bilang young Mae Ann, Ashley Sarmiento as old Mae Ann, Niña Dolino bilang Melissa, Mickey Feriols as Fe at Vivieka Ravanes bilang Eva. Ito ay sa direksyon ni Jerome Pobocan, sa panulat ni Akeem Jordan del Rosario.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood pa rin ang longest-running drama anthology sa Asia, ang Maalaala Mo Kaya tuwing  Sabado ng gabi sa ABS-CBN, hosted by Charo Santos. – EAS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending