'Dapat lang palakpakan si Kathryn sa La Luna Sangre!' | Bandera

‘Dapat lang palakpakan si Kathryn sa La Luna Sangre!’

Cristy Fermin |July 13,2017
facebook
share this

‘Dapat lang palakpakan si Kathryn sa La Luna Sangre!’

Cristy Fermin - July 13, 2017 - 12:01 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

NANGHAHAWAK na ng leeg ng manonood ang seryeng La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Wala pa ang kilig na hinihintay ng kanilang mga tagahanga pero nandiyan na ang sangkap na napakahalaga sa daloy ng istorya.

Nakakawiling manood ng serye dahil alam mong hindi dinadaya ng produksiyon ang mga eksena. Tama ang gayak ng mga artista, maayos ang implementasyon ng mga eksena, pinaghandaan talaga ng ABS-CBN ang seryeng ito.

Sa unang sultada pa lang naman kasi ng serye ay mga sikat na personalidad na ang nagbukas, matatawaran ba ang presensiya nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin? Idagdag pa ang mortal nilang kalaban na si Richard Gutierrez?

Mahihiya ang ibang serye sa ganda ng La Luna Sangre. Ang kanilang mga special effects ay laganap, masinop na inedit ang mga eksenang nagliliparan at nagpapalit ng karakter ang kanilang mga artista, nakaka-proud panoorin ang seryeng ito.

Dapat lang palakpakan ang mga eksena ni Kathryn Bernardo, naglaan ng panahon ang young actress para bigyang-buhay ang papel ni Maliya, sa mga huling eksenang natutukan namin ay malapit na silang magkaroon ng mas maraming eksena ni Daniel Padilla.

At ang dami-daming artistang kilala na pinapatay gabi-gabi, hindi nanghihinayang ang produksiyon sa takbo ng pangyayari, sa ibang serye kasi ay babad na babad ang mga kilalang artista at hindi agad pinapatay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending