Jolina, Mark, naaksidente, SUV ng pamilya binangga ng van
NAAKSIDENTE ang mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng East Avenue, Quezon City.
Ayon sa ulat, sakay ng kanilang SUV ang mag-asawa kasama ang anak na si Pele nang maganap ang insidente. Binangga raw mula sa likuran ng isang van ang sasakyan nina Jolens.
Sa pahayag ng driver nina Jolina at Mark na si Orly Sabino sa ulat ng GMA, sinabi nitong huminto raw sila sa harap ng Philippine Heart Center sa Quezon City bandang 1:30 a.m. nang banggain sila ng van. Sa lakas ng impact, nayupi ang likurang bahagi ng SUV nina Jolina.
Ibinalita naman ni Marc sa kanyang Facebook account na maayos na ang kalagayan ng kanyang mag-ina. Nabatid na patungong airport ang mag-anak para magbakasyon sa labas ng Manila.
Ayon pa sa ulat, dinala sa ospital ang driver ng van na nakabangga sa pamilya Escueta na kinilalang si Peter Sevilla matapos magtamo ng ilang sugat sa katawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.