‘Pag kinagat ka ng insekto... | Bandera

‘Pag kinagat ka ng insekto…

Leifbilly Begas - June 26, 2017 - 05:00 AM

SA dami ng naglipanang insekto, hindi nakagugulat kung makakagat ka. Minsan nga, mapapansin mo na lang na may pantal ka na at hindi ka sigurado kung ano ang kumagat sa iyo.

Ano nga ba ang mga dapat gawin sa sanda-ling makagat ng insekto?

  • Lagyan ng icepack ang pantal para humupa ito. Ilagay ang yelo ng 15 hanggang 20 minuto. Pwede ring basang tuwalya.
  • Kung bubuyog ang tumusok sa iyo, maiiwan sa balat mo ang panusok nito at kailangan na maalis ito kaagad. Maaaring gumamit ng plastic card sa pagtanggal nito o kaya ay tiyane. Maraming gamot na maaaring ipahid sa pantal para maalis ang kati at sakit nito. Meron ding mga nabibili na local anesthetic upang maibsan ang sakit. Kung makalipas ang anim na oras ay hindi pa rin humuhupa ang pamamaga, maaari itong lagyan ng maligamgam na tuwalya para guminhawa ang pakiramdam.
  • Kung na-higad ka naman, kumuha ng tape. Lagyan ng tape ang na-ngangating bahagi upang maalis ang mga balahibo. Hugasan ng tubig at sabon ang bahaging ito upang malinisan. Maaari ring lagyan ng suka ang bahaging ito para tumigil ang pangangati at hindi na dumami pa ang pantal. Huwag puputukin ang pantal o kakamutin dahil maaaring maalis ang balat at magresulta sa pagkaimpeksyon nito.
  • Kung purgas o niknik ang nakakagat sa iyo, hugasan ang bahagi na kinagat at lagyan ito ng anti-septic upang mapatay ang mikrobyo. Kung sa maselang bahagi gaya ng mata o bibig ang kagat, kumonsulta sa doktor upang masi-guro na tamang gamot ang gagamitin at hindi mabulag o malason.
  • May lason ang kagat ng gagamba kung ito ang nakakagat, lagyan kaagad ng ice pack. Kalimitan naman na hindi kayang pumatay ng tao ang lason ng gagamba pero baka nasa panganib ang iyong buhay kung black widow ang kumagat sa iyo kaya kumonsulta agad sa doktor.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending