GUSTO ko lang po na itanong kung ano po ang pwede naming gawin dahil ako po at ang aking mga kasamahan ay kinakaltasan ng contribution sa Philhealth pero hindi naman nila ini-reremit. Ano po ang dapat naming gawin.
Angeline Vicente
REPLY: Dear Ma’am Vicente:
Pagbati mula sa PhilHealth!
Nais po naming ipi-nabatid na maaari po kayong makipag-ugnayan sa pinakamalapit na PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO) upang maberipika po ninyo kung kayo po ay may posted na kontribusyon sa ilalim ng inyong pangalan maliban sa inyong PhilHealth Identification Number (PIN).
Kung kayo naman po ay walang posted na kontibusyon, maaari po ka-yong mag-beripika sa in-yong employer at mag-request ng Certificate of Contribution para sa in-yong reperensya, at kung sila po ay hindi makapag-pakita ng katunayan na sila ay nag-remit ng in-yong contributions, maaari po kayong mag file ng complaint sa area ng PhilHealth Service Office.
Kailangan po kayong mag-fill-out ng salaysay at magpasa ng kopya ng inyong payslip at valid ID para sa attachment.
Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong 441-7442.
Maaari rin po nin-yong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph
Maraming salamat po!
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
nfr
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.