TULUYAN nang naging bagyo ang low pressure area na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Dahil dito, magiging maulan sa malaking bahagi ng bansa at kung hindi magbabago ang bilis at direksyon wala na sa bansa bukas ang bagyong Dante.
Kahapon ang bagyo ay namataan may 740 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora.May bilis na 45 kilometro ang dala nitong hangin at umuusad ng 15 kilometro pa hilaga-hilagang kanluran.
Ngayong araw inaasahan na nasa layong 920 kilometro sa Aparri, Cagayan ang bagyo at bukas may 1,060 kilometro sa Basco, Batanes.Sinabi ng Pagasa na pag-iibayuhin ng bagyo ang Hanging Habagat na magdadala ng pag-ulan sa bansa.
Samantala, isang low pressure area ang namataan may 100 kilometro sa hilaga ng Puerto Prinsesa City, Palawan. Magdadala ito ng pag-ulan sa lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.