Walang separation pay kapag extended ang work? | Bandera

Walang separation pay kapag extended ang work?

Liza Soriano - May 31, 2017 - 12:10 AM

MAGANDANG araw po, Aksyon Line. Nagtatrabaho po ako sa isang call center nang mahigit isang taon. Nag-decide po ang kumpanya namin na  magsara ngayong araw. Pero bigla ay sinabi sa amin na kapag nag-extend daw po sila ng isa pang buwan (o hanggang June 30) hindi na raw kami mabibigyan ng separation fee.

Tama po ba ang sinabi sa amin na mabibigyan lang kami ng separation fee kapag nagsara sila ng May 31, pero kapag na-extend sila ng isang buwan ay wala kaming makukuha?
Maraming Salamat.

REPLY: Good day!
Wala pong kinalaman ang extension ng one month sa pagbabayad ng inyong employer ng separation pay. Ang malinaw na sinisigurado ko po ay MAKATATANGGAP KAYO NG SEPARATION PAY MAY EXTENSION MAN O WALA.

Subalit kung kayo po ay magre-resign o tatangalin dahil may nagawang violation sa company policy,  kayo po ay walang matatanggap na separation pay. Ang tanging makukuha ninyo ay ang inyong huling sahod, pro-rated 13th month pay at mga leave na hindi nagamit.

JOT

Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa  [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending