‘Wildflower’ ni Maja may book 2, hahabol sa ‘Probinsyano’ | Bandera

‘Wildflower’ ni Maja may book 2, hahabol sa ‘Probinsyano’

Ambet Nabus |May 27,2017
facebook
share this

‘Wildflower’ ni Maja may book 2, hahabol sa ‘Probinsyano’

Ambet Nabus - May 27, 2017 - 12:10 AM

JOSEPH MARCO AT MAJA SALVADOR

JOSEPH MARCO AT MAJA SALVADOR

BALITANG magkakaroon ng season 2 ang Wildflower na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Dahil daw sa napakaganda nitong rating at “wild” following kaya’t nagdesisyon ang production na bigyan ng extension ang programa.

Minsan naming nasisilip ang Wildflower at agree kami sa sinasabi ni Maja na bukod sa kanya ay wala kang i-tulak-kabigin sa husay ng mga co-stars niya mula kina Aiko Melendez, Sunshine Cruz, RK Bagatsing, Vin Abrenica at lalo na sina Joseph Marco at Tirso Cruz III.

Sa totoo lang, hindi nakapagtatakang magkaroon ng maraming projects itong si Joseph na siyang luma-labas ngang pinaka-leading man ni Maja sa serye.

Dahil dito, looking forward nga tayo sa marami pang pasabog sa pagganap nina Aiko, Papa Tirso at iba pa na either kaiinisan mo o kaaawaan sa husay ng kanilang pagganap.

“Worth it,” ang simpleng sagot ni Maja sa pagkakaalis ng karakter niya sa Ang Probinsyano na aabot pa hanggang 2018. Malay natin baka humabol pa ito sa tagal sa ere ng serye ni Coco.

Hindi man siya nagmarka nang bonggang-bongga sa action serye ni Coco Martin, umaariba naman sa rating ang Wildflower at sikat na sikat na ang mga karakter niyang sina Lily Cruz at Ivy Aguas.

Mga karakter na in na in ngayong gayahin ng mga bading at mga babaeng gustong maging matapang at palaban. Ha-hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending