KZ Tandingan pangarap makilala nang personal si President Digong
KUNG si KZ Tandingan ang masusunod ay mas gusto niyang kumanta ng soul dahil hindi na niya kailangang bumirit.
Sa ginanap na album launching ni KZ na may titulong “Soul Supremacy” under Star Music ay natanong ang dalaga kung anong genre ang pinakagusto niya at soul nga ang agad niyang isinagot.
“‘Yung term nga ni sir Jon (Jonathan Manalo) kapag kumakanta ako para lang daw akong lasing at pinapatay ang ilaw, sasabihin ni sir Jon, ‘o magpakalasing ka na diyan sa kanta mo.’
“So, ‘yun po, marami akong genre na narinig, pero I think sa soul ako bumabalik kasi ‘yun talaga ang pinaka-ugat ko as an artist,” kuwento ni KZ.
Kumakanta rin siya noon ng matataas tulad ng mga awitin nina Celine Dion at Whitney Houston, “Dati po akong biritera, kumokontes po ako sa school,” napangiting sabi ng Star Music artist.
Taga-Davao City si KZ kaya natanong siya kung bakit kinailangan pa niyang lumuwas ng Maynila gayung puwede naman siyang magkaroon ng singing career sa bayan nila.
“If it wasn’t for X Factor (reality talent show) po, I wouldn’t move to Manila, the first time po na sumakay ako ng eroplano papuntang Manila was also for a competition, I never went to Manila for vacation because, nu’ng time na ‘yun, I did not really feel the need to, kasi parang lahat ng gusto namin puntahan ay nandoon na sa amin,” pahayag pa ni KZ.
“I like to believe na kung anuman po ang nangyayari sa akin ngayon, it’s just a start of something bigger na pinaplano ng Panginoon sa akin, so ‘yun po muna ang tututukan ko, then pag okay na, maybe I can go back home and help other artists like me dati na takot, feeling na hindi magkakaroon ng chance rito sa Manila, hindi magkakaroon ng chance sa music industry,” sabi pa ni KZ.
Maski taga-Davao si KZ ay hindi pa niya nakikilala nang personal si Presidente Digong Duterte.
“Dapat sana nu’ng may event siya roon, inimbita ako, kaso hindi ako pumuwede, pero nakita ko na siya nang personal, pero ‘yung I was introduced to him, hindi pa po, how I wish,” say ng dalaga.
Ano na ang mga nabago sa dalaga makalipas ang limang taon mula nang sumali siya noon sa X Factor? “I am bolder now pagdating sa music ko. Siyempre kapag nagsisimula ka, you tend to just follow what you are told to do.
“Sa unang taon, I tried so hard to fit in para pag nag-perform ako, hindi ko bubuksan ‘yung phone ko na ang dami kong basher, iniisip ko rati, kailangan pareho kami ng buhok, kailangan mataas ‘yung heels ko para hindi masyadong maliit.’
“Siguro I have learned to embrace myself more hindi bold with my music na kung ayaw ng iba, wala akong pakialam kasi ito ang tunay na ako. Ito ‘yung parati kong sinasabi na you’re not going to please anybody but God, so just do your best and use your talent to glorify His name and to make people happy,” ani KZ.
Ilan sa mga kantang isinulat mismo ni KC na nasa “Soul Supremacy” ay ang sinulat “Intro Lude”, “Labo”, “Nag-Iisa Na Naman”, “Dapithapon”, “Imposible”, “Afraid, With You”, “Siya’y Darating” (duet with Michael Pangilinan), “Sayang”, “Sa Aking Mga Kamay”, “Halik Na Lang” at may bonus tracks pa na “Sa ‘Yo”, “Mahal Ko o Mahal Ako” at “Ikaw at Ako Pa Rin.”
Ang bagong album ni KZ ay produced nina Malou Santos at Roxy Liquigan with Jonathan Manalo bilang over-all album producer. Mabibili ang album sa lahat ng digital stores nationwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.