James, Nadine hot na hot sa bathtub; umani ng iba’t ibang reaksiyon
USAP-USAPAN sa social media ang litratong ipinost ni James Reid sa kanyang Instagram account nitong weekend kung saan makikita silang magkasama ni Nadine Lustre sa isang bath tub.
Nakahubad at nakatalikod sa picture ang hunk actor habang tila naka-bra lang si Nadine na nakayakap naman sa kanyang boyfriend. Marami ang na-curious sa caption ng litrato na: “I like what you’ve done to me” with the hashtag “#IL2LU [I love to love you].”
Ayon sa ilang followers ng JaDine, hango raw ito sa lyrics ng isang kanta na favorite raw ngayon ni James. Sa isa pang IG photo ng aktor kung saan solo naman siyang nakunan, sinabi nitong: “lil photo shoot while waiting for their call time for a show in Camarines.”
Marami ang natuwa sa hot tub photo ng magdyowa, inggit na inggit nga ang female fans ni James kay Nadine na nagsabing sana raw ay sila na lang ang kasama ng binata sa bathtub na yun. Pero marami rin ang na-turn off sa dalawang bagets dahil parang sumosobra na raw yata ang pagiging “hot” nila sa isa’t isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.