Sulat mula kay Karen ng Lima, Pastrana, Leyte
Problema:
1. Tapos ako ng kursong nursing at marami na akong napasukan ospital, pero wala rin pong nangyayari sa akin. Sa halip ay nababaon pa ako sa mga pagkakautang kasi nga po ay maliit lang ang suweldo ko. Nahihiya na nga po ako sa mga magulang ko kasi sa kanila ako nangungutang at umaasa kapag nagigipit ako. Nakalulungkot kasi ay pinag-aral na nila ako pero umaasa pa rin ako sa kanila hanggang ngayon.
2. Itatanong ko lang sana kung sakali bang mag-aplay ako sa abroad, may pag-asa kaya akong makaalis at magkaroon ng magandang buhay sa ibayong dagat? July 1, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Karen ng
Pastrana, Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing pagpasok na pagpasok ng buwan ng Hunyo o kaya’y Hulyo, gaganda ang iyong kapalaran. Kaya dapat ngayong palang magsimula ka nang mag-aplay sa abroad. At kung mag-aaplay ka na ngayon, maaaring sa buwan ng Oktubre ay tuluyan ka nang makapangibang-bayan.
Numerology:
Ang birth date mong 1 ay nagsasabing habang suot mo ang kulay na dilaw, lalong gaganda ang iyong kapalaran. Kung saan, sa tulong ng mga taong may birth date na 4, 13, 22, 31, 5, 14 at 23, mas madali kang makapaga-abroad.
Luscher Color Test:
Kaya nga, saang lugar ka man mapunta, lagi kang gumamit ng suwertye mong kulay na dilaw at berde. Sa nasabing mga kulay, tulad ng naipaliwanag na, kusang darating sa iyo ang magagandang kapalaran na hindi mo pa nararanasan sa tanang buhay mo.
Huling payo at paalala:
Karen, tunay ngang mahirap talaga ang buhay ngayon at nagkataong tulad ng dati sobrang liit ng suweldo na ating natatanggap sa mga local companies. Kaya tama lang ang iniisip mong mag-apply sa aboad. Kung maga-apply ka ngayon pa lang, tiyak ang magaganap, sa taon ding ito, sa buwan ng Oktubre at sa edad mong 28 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.