SINABI ni Pangulong Duterte na nakatakda niyang italaga ang ilang miyembro ng Mocha Girls sa gobyerno matapos naman ang pagkakatalaga ni Mocha Uson bilang Assistant Secretary for Social Media ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
“Not all. But kung gusto nilang magtrabaho, patrabaho ko. There is nothing wrong working for government. I absolutely I see none,” sabi ni Duterte sa isang ambush interview sa Hong Kong.
Kasama ni Uson ang Mocha Girls sa Hong Kong kung saan nagtanghal pa ang mga ito sa harap ng mga miyembro ng Filipino community.
“Ah well hindi naman pwedeng maging ano, secretary. But that is a job that is appropriate to their qualification. Walang problema tingin ko sa isang Pilipino na mag-hanapbuhay,” ayon pa kay Duterte nang tanunging kung ano posisyon ibibigay sa Mocha Girls.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.