Kay sarap maging taga-GenSan | Bandera

Kay sarap maging taga-GenSan

- November 16, 2009 - 01:34 PM

mpGANYAN ang pakiramdam ng mga taga-General Santos City sa tuwing mananalo si Manny Pacquiao sa Amerika, at tatalunin ang malaking kalaban.  Humihinto ang buhay sa GenSan 30 minuto pa lang bago simulan ang laban ni Pacquiao.  Nakadikit sa tabi ng malalakas na radyo, at nagsisiksikan sa live feed ng TV, na mula sa kagandahang loob ng mga politiko.  Lalo pa’t babanggitin ng baritonong paawit na ring announcer ang “…from General Santos City.”  Kay sarap maging taga-GenSan.  Pero, napalitan na ang pinagmulan ni Pacquiao: “…from the Philippines…” na.  May mga nagdamdam.  Pero, taga-GenSan pa rin si Pacquiao.  Kaya nga’t inihahanda pa rin ni Mayor Pedro Acharon Jr., ang grand welcome, bagaman alam ng lahat na tutuloy si Pacquiao sa kanyang bagong “bahay,” ang Sarangani.  Kay sarap pa ring malaman ng buong mundo na taga-GenSan kami, ang saksi sa kadukhaan ni Pacquiao sa higaan na karton, kahit na sabihin niya na taga-Sarangani na siya, ang simpleng nakikipaglaro ng basketball sa mga tambay.

PAUL BERNALDEZ, Bandera Reporter (GenSan)
BANDERA, 111609

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending