Pilipinas vs Myanmar sa SEABA opener | Bandera

Pilipinas vs Myanmar sa SEABA opener

Angelito Oredo - May 12, 2017 - 12:03 AM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
3 p.m. Indonesia vs Singapore
5 p.m. Thailand vs Malaysia
7 p.m. Gilas Pilipinas vs Myanmar

NAKATUON sa unang panalo ang Gilas Pilipinas sa paghawi ng daan tungo sa ikawalo nitong titulo sa  Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Men’s Senior & Under-16 Championships na mag-uumpisa ngayon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Makakaharap ng Pilipinas ang kinukunsiderang mahina ngunit lubhang mapanganib na Myanmar sa una nitong laro ganap na alas-7 ng gabi.

Ito ang una sa anim na labang ‘kailangang’ walisin ng Pilipinas para muling itatak ang dominasyon ng bansa sa Southeast Asian region.

Isasabak ng Myanmar ang koponang ipadadala rin nito sa darating sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia kaya hindi maaaring ismolin ng mga Pinoy ang kakayahan ng kalaban.

Ang Myanmar team ay binubuo nina Yan Wai, Myint Aung, Justin, Tun Zar Ni, Chan Ah, Wai Aung Phyo, Min Nay Myo, Oo Aung Kyaw at Aye Kaung Myat.

Tinipon naman ng nagbabalik na national head coach na si Chot Reyes ang kinukunsidera nitong pinakamalakas na koponan bagaman kulang pa rin aniya ang araw ng kanilang paghahanda para sa SEABA.

Ang pambansang koponan ay  kinabilangan nina Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, June Mar Fajardo, Allein Maliksi, Terrence Romeo, Troy Rosario, Jayson Castro at ang naturalized player na si Andray Blatche.

Kinumpleto ng tatlong PBA rookie na sina Matthew Wright, Jio Jalalon at RR Pogoy ang koponan.

Nakataya sa torneo ang silya para sa FIBA Asia Cup na isasagawa sa Agosto at ang importanteng 2019 FIBA World Cup Qualifiers na magsisimula sa Nobyembre.

“We want to make sure the big picture is on our minds,” sabi ni Reyes patungkol sa SEABA na unang hakbang sa inaasahang mahabang lakbayin ng bansa tungo sa inaasam nitong pagtuntong sa 2019 FIBA World Cup sa China at 2020 Summer Olympics sa Tokyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“All of the players are committed to that goal to get back to the Olympics in 2020. We are fully aware that the only chance to get there is to win the SEABA Championship and that begins on game one on Friday,” sabi ni Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending