KARLA SA PAGPUNA NI RICHARD REYNOSO KAY DANIEL: HAYAAN NA NATIN, TUTUTUKAN KO NA LANG MGA ANAK KO!
Ni Dominic Rea
(OPEN letter mula sa publicist ng King Of Hearts na si Daniel Padilla na si Dominic Rea). Bumulaga sa amin ang isyung pambabatikos ng batikang singer na si Richard Reynoso kay Daniel Padilla. Dismayado raw si Mr. Reynoso sa naging istilo ni Daniel nang haranahin nito ang 25 semi-finalist sa katatapos lang na Bb. Pilipinas. Hindi raw binigyang importansiya ni Daniel ang kahalagahan ng mga binibini on stage. Pinapalabas nitong may sariling mundo si Daniel at dinedma ang mga kandidata. Ikinumpara pa ni Mr. Reynoso ang istilo ng pagkanta ni Daniel sa istilo ng kanyang pagkanta noon. At ang nakakaloka sa lahat ay ang panlalait nito sa boses ng pinakasikat na matinee idol ngayon! Siyempre samut-saring komento ang natanggap ni Mr. Reynoso sa comment box ng kanyang Facebook account pabor sa kanyang pagkakahol na hindi naman alam ang dahilan! Sariling opinyon ko po Mr. Reynoso. Nu’ng unang araw pa lang po ng singing career ni Daniel Padilla ay inamin na niyang hindi talaga siya singer at alam yun ng buong mundo. Pero talagang ganoon sa showbiz, hindi mo puwedeng diktahan ang mga tao kung anong klaseng tao ang iidolohin nila – tinanggap ng mga tagasuporta ni Daniel ang kanyang boses sa simula pa lang. Para lang din malaman mo Mr. Reynoso na lahat po ng ginawang album ni Daniel ay nag-Platinum. Lahat din po ng concert niya ay soldout! Kaya sa tingin ko, wala kang karapatang kuwestiyunin ang kapasidad ni Daniel lalo na ang istilo niya sa pagkanta. Kung gaano po namin nirespeto ang kapasidad mo bilang isang singer ay irespeto mo rin sana ang kapasidad ng kapwa mo OPM. Sa isang maikling text message sa amin ni Queen Mother Karla Estrada, sinabi nitong hayaan na lang ang isyu, mas bibigyan na lang daw niya ng panahon ang kanyang mga anak at ang kanyang mga trabaho. “Hayaan mo na Dom. Tutukan ko na lang mga anak ko at busy skeds. Hayaan na natin,” ang text message sa amin ng nanay ni Daniel. Mr. Reynoso patunay po ang mensaheng ito ni Karla na hangga’t maaari ay ayaw na nilang mag-entertain ng kanegahan sa buhay nila. Na mas marami silang dapat ipagpasalamat kesa patulan ang mga ganitong issue. So, stop barking Mr. Reynoso. Hinahangaan kita at nirespeto pero kailangan ko lang talagang ipagtanggol ang isang napakabuting anak sa kanyang magulang at mga kapatid at sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya na walang ibang inisip kundi ang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending