Dumlao, 3 pa nagpasok ng not guilty plea kaugnay ng pagdukot sa helper ng pinatay na Koreano | Bandera

Dumlao, 3 pa nagpasok ng not guilty plea kaugnay ng pagdukot sa helper ng pinatay na Koreano

- May 05, 2017 - 04:50 PM
dumlao NAGPASOK ng not guilty plea si dating Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) Superintendent Rafael Dumlao at tatlong kapwa akusado kaugnay ng pagdukot kay Marisa Dawis Morquicho, ang kasambahay ng pinatay na negosyanteng  Koreano na si  South Korean Jee Ick-Joo. Nahaharap sina Dumlao, Senior Police Officer 3 (SPO3) Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas at Jerry Omlang sa mga kasong serious illegal detention at carnapping sa Angeles City, Pampanga Regional Trial Court Branch 58. Ang kaso ay kaugnay ng pagdukot kay  Morquicho, matapos itong dukutin kasama si Jee,  sa kanilang bahay sa  Friendship Plaza Subdivision,   Pampanga noong Oktubre  2016. Kinuha rin ang kanilang sasakyan na isang itim na Ford Expedition (ABT-1915). “Arraigned in a language known and understood by them, each accused in the presence and with the assistance of their respective counsels, pleaded not guilty of each offense charged,” sabi ng korte. Itinakda ang pre-trial ssa Hulyo  19, 2017. Nahaharap din ang mga akusado ng kasong  homicide kaugnay ng pagpatay kay Jee. Kasama sa kasong homicide ay ang may-ari na si Gream Funeral Services na si  Gerardo “Ding” Santiago, kinasuhan bilang accessory. Itinakda ang arraignment para sa kasong  homicide sa Mayo 31.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending