Vaness: Ang sarap maging kontrabida! | Bandera

Vaness: Ang sarap maging kontrabida!

- May 04, 2017 - 12:35 AM

vaness del moral

NAMATAY na ang karakter ni Vaness del Moral bilang Gurna sa Encantadia. Pero ayon sa Kapuso actress ay araw-araw pa rin niyang nami-miss ang mga kasamahan sa fantaserye ng GMA 7.

Hindi pa rin daw tumitigil ang kulitan nila sa group chat at updated pa rin siya sa buhay ng mga dating kasamahan. Ayon pa kay Vaness, madalas din siyang nagdadala ng pagkain sa set para mangamusta at dumalaw.

Pagbibiro pa nga ng dalaga, sinasadya talaga niyang dalawin si Direk Mark Reyes sa taping para piliting bumalik siya sa serye.

“Sabi ko, baka pwedeng ibalik niyo muna ako. Baka pwedeng mabuhay muna ako katulad nina Hagorn,” kwento pa niya. Ayon sa kanya, welcoming ang buong production tuwing dumadalaw siya.

Makakasama si Vaness sa bagong teleserye ng GMA, ang remake ng Impostora na pagbibidahan ni Kris Bernal. Kontrabida uli ang role rito ng Kapuso actress magpapahirap sa buhay ng isang karakter ni Kris sa serye.

Ani Vaness, hindi naman daw siya nagsasawang magkontrabida sa mga serye ng GMA dahil nag-eenjoy naman siya.

“Masarap kasing laruin yung role, mas marami kang pwedeng gawin. Tsaka choosy pa ba? Hangga’t may trabaho go lang nang go!” sabi pa ni Vaness na hindi rin nawawalan ng proyekto sa GMA 7.

Samantala, nagkita na ang mag-iinang Reyna Minea (Marian Rivera-Dantes), Pirena (Glaiza de Castro), Alena (Gabbi Garcia) at Danaya (Sanya Lopez).

Sinubukang kausapin ng magkakapatid si Reyna Minea para gamutin ito gamit ang kanilang brilyante, pero nanaig ang kasamaan na bumabalot sa kanilang ina at sinaksak si Alena.

May pag-asa pa kayang mabuo ang kanilang pamilya? Anu-ano ang isasakripisyo ng mga Sang’gre para makasama uli ang kanilang ina?

Huwag na huwag nang bibitiw dahil itotodo na ni direk Mark Reyes ang mga magaganap na pasabog sa huling tatlong linggo ng Encantadia sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending