Life story ni Noven Belleza ibabandera sa MMK

By Julie Bonifacio April 20,2017
share this

Life story ni Noven Belleza ibabandera sa MMK

By Julie Bonifacio April 20,2017
share this

noven belleza

MATUTUNGHAYAN na ang buong kwento ng buhay ng kauna-unahang Tawag Ng Tanghalan grand champion sa It’s Showtime na si Noven Belleza sa Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN ngayong Sabado ng gabi.

Ang singer na si Khalil Ramos ang gaganap bilang si Noven sa award-winning drama anthology hosted by Charo Santos, habang ang child star na si Noel Vomia, Jr. naman ang magpo-portray bilang young Noven.

Ipinanganak si Noven sa pamilya ng mga kontesero sa Negros Occidental. Si Noven ang panganay sa pitong magkakapatid. All-out naman ang binigay na suporta sa kanya ng magsasaka niyang ama na si Rey at naniniwalang matutupad ni Noven ang kanyang mga pangarap.

Tulad ni Noven, sumasalli rin sa mga singing contest ang kanyang ama na gagampanan ng singer na si Nyoy Volante. Kasama rin sa “The Noven Belleza Story” episode ng MMK sa Sabado sina Meryll Soriano, Tess Antonio, Jane de Leon at Isaac Tangonan sa panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos, directed by Nuel Naval.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending