Di kinakaltasan ng Philhealth contribution | Bandera

Di kinakaltasan ng Philhealth contribution

Liza Soriano - April 19, 2017 - 12:10 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Dati po akong nagtrabaho sa isang publishing house pero nag-resign na po at ngayon ay nakahanap na ng trabaho sa isang advetising agency.

Gusto ko lang po sana na itanong sa SSS at Philhealth kung tama po ang desisyon ng may-ari ng company namin na hindi daw po muna ako kakaltasan ng SSS at Philhealth dahil hindi pa ako regular employee at kinakailangan pa na matapos ko ang five months at irerecommend ako para maging regular employee at saka lamang ako kakaltasan ng SSS at Philhealth.

Gusto ko pa naman sana na mag-undergo ng endoscopy procedure uli at gamitin ang Philhealth ko pero mukhang hindi ko magagamit dahil wala pang inire-remit ang office. Tama po ba ang desisyon ng company o ano po ang dapat kung gawain? Sana ay matulungan ako ng SSS at Philhealth sa aking katanungan sa pamamagitan po ng inyong column.

Sumasainyo
Arnel VIllafuente
Karuhatan,
Valenzuela City

REPLY: Ginoong Villafuente:

Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Nais po naming ipabatid sa inyo na lahat po ng miyembro ng PhilHealth sa ilalim ng Formal Economy na mayroong pormal na kontrata o may nakatakdang panahon ng pagtatrabaho, ito man ay sa gobyerno o pribadong sektor at nanatiling konektado sa kumpanyang pinapasukan.

Ang pagkaltas ng PhilHealth sa inyo pong sahod ay nakasaad sa batas at ang buwanang kontribusyon ay paghahatian ng employer at empleyado sa itinakdang halaga ng korporasyon na hindi lalagpas sa limang porsyento ng kanilang buwanang sahod.

Amin pong iminumungkahi na makipag-ugnayan sa inyong employer para po sa inyong PhilHealth contribution.

Para naman po sa inyong magiging confinement, kinakailangan po na mayroon kayong latest na tatlong buwang kontribusyon sa loob ng anim na buwan bago ang unang araw ng confinement upang magamit ang PhilHealth.

Maraming
salamat po.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: https://www.philhealth.gov.ph

Twitter: @teamphilhealth
Facebook: https://www.facebook.com/PhilHealth

Call Center: 441-7442
nfr

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending