Kris sunog na sunog sa panlalait ng mga basher; career sa Hollywood ninega agad | Bandera

Kris sunog na sunog sa panlalait ng mga basher; career sa Hollywood ninega agad

Cristy Fermin |April 18,2017
facebook
share this

Kris sunog na sunog sa panlalait ng mga basher; career sa Hollywood ninega agad

Cristy Fermin - April 18, 2017 - 12:05 AM

kris aquino

PARA maiiwas ang kanyang sarili sa drum-drum na apdo na ipinaiinom sa kanya kahit nu’ng Semana Santa ay inilabas na ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account ang diumano’y napipintong paggawa niya ng pelikula sa Hollywood.

Sa tono ng kanyang pagbabalita ay sigurado na ‘yun dahil makikipagkita na siya sa kanyang agent sa Amerika para pumirma ng kontrata.

Maraming natutuwa para kay Kris kung totoo ngang magiging Hollywood star na siya pero mas marami ang nagbibigay ng mga sarkastikong komento tungkol sa ipinagmamalaki niyang proyekto.

Sabi ng isang nakausap namin, “Kailangan na namang ipihit ni Kris ang attention ng publiko, masyado na kasi siyang sunog na sunog sa pinagsasasabi ng mga netizens sa kahitaran niya lately sa pamimintas sa producer niya sa show niya na hindi naman tinangkilik ng manonood.

“Napakasakit kasi para sa kanya na malaman na wala nang interest sa kanya ang mga Pinoy. Imagine, sadsad na sadsad ang rating niya, parang wala nang pakialam sa kanya ang mga kababayan natin!

“Kaya mas mabuti pa ngang sa Hollywood na lang siya! Ipaubaya na natin sa mga nandu’n ang ugali niyang ewan! Du’n na siya nababagay ngayon dahil wala na talaga siyang career sa Pilipinas!” napakasarkastikong komento ng aming impormante.

Harinawang matuloy ang sinasabing proyekto ni Kris Aquino. Huling baraha na niya ito. Kailangan na siyang maging busy dahil mahigit na isang taon na siyang nakatengga.

Huwag naman sana siyang bigyan nang kapiranggot na exposure lang sa nasabing pelikula dahil siguradong paiinumin na naman ng apdo ng mga kababayan natin ang aktres-TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending