Nananatiling mataas ang public satisfaction rating ni Pangulong Duterte at mahigit pito sa bawat 10 Filipino ang satisfied sa kanya, batay sa First Quarter survey ng Social Weather Station.
Naitala ito sa 63 porsyento (75 porsyentong satisfied, 12 porsyentong dissatisfied at 12 porsyentong undecided) na hindi nagbago sa 63 porsyento na naitala noong Disyembre (77 porsyentong satisfied, 16 porsyentong dissatisfied at 9 porsyentong undecided) at mas mababa ng isang porsyento sa survey noong Setyembre.
Nananatiling pinakamataas ang satisfaction rating ni Duterte sa Mindanao na naitala sa 89 porsyento. Siya ay mayroong dissatisfied rating na 3 porsyento at ang undecided ay 8 porsyento.
Sumunod naman ang National Capital Region (76 porsyentong satisfied, at tig-12 porsyentong dissatisfied at undecided), Visayas (75 porsyentong satisfied, 12 porsyentong dissatisfied at 13 porsyentong undecided) at iba pang bahagi ng Luzon (68 porsyentong satisfied, 17 porsyentong dissatisfied at 14 porsyentong undecided).
Ang mga respondents ay tinanong kung sila ay lubos na nasisiyahan, medyo nasisiyahan, hind tiyak, medyo hindi nasisiyahan at lubos na hindi nasisiyahan, sa pamamahala ni Duterte.
Kinuha sa survey ang 1,200 respondents na edad 18 pataas. Ginawa ang survey mula Marso 25-28 at unang nailathala sa Business World, ang media partner ng SWS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending