Male celebrity maayos na ang takbo ng buhay, nanahimik na ang dating dyowa
TAHIMIK na tahimik ngayon ang buhay ng isang male personality na kilalang-kilala sa napili niyang larangan. Walang intriga, walang problema, kulay rosas ang paligid nila ng kanyang karelasyon.
Dapat naman talagang maging tahimik na ang buhay ng male personality dahil wala siyang masamang buto sa katawan. Mabait siya, marunong makitungo sa kanyang kapwa, at ang pinakamahalaga ay wala siyang kainggit-inggit sa katawan.
Namamahinga ngayon sa kontrobersiya ang male personality dahil hindi siya kinakalampag ng dati niyang karelasyon. Mukhang abala ito ngayon sa kanyang buhay kaya hindi nito pinupuntirya ang lalaking personalidad.
Pero ang sabi ng aming source, “But wait! Baka naman pansamantala lang ang pananahimik ng buhay at relasyon niya ngayon! Baka isang araw, kapag sinumpong na naman ang girl, e, biglang mabulabog na naman ang mundo niya!
“Mahirap kasing ispilengin ang utak ng babaeng ‘yun, e! Kapag nasumpungan niyang buwisitin ang guy, kahit wala namang dahilan, e, kung anu-ano ang pinagsasasabi niya!
“Marami siyang reklamo, pilit niyang hinahanapan ng butas ang lalaking napakatahimik nga at wala namang sinasabing kahit ano tungkol sa kanya!
“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Ang pananahimik niya, e, depende sa sumpong niya! Kapag okey ang takbo ng utak niya, e, ayos lang. Pero kapag bigla na naman siyang inapuntahan ng sumpong, e, ‘yun na ‘yun!
“Naku, sana nga, e, may boyfriend na lang siya para hindi na niya inaabala ang mga taong kung tutuusin, e, wala nang connection sa buhay niya!” naiinis na kuwento ng aming impormante.
Balik-chika pa ng aming source, “Abalahin na lang sana niya ang buhay niya ngayon. Maganda ‘yan, napag-iiwanan na siya sa laban, baka mawalan na siya ng K!”
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kayo pa ba naman ang hindi makakakilala kung sino ang babaeng starring sa kuwentong ito?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.