Kilalang female star laging basa ang kilikili, kailangan nang magpatingin sa doktor | Bandera

Kilalang female star laging basa ang kilikili, kailangan nang magpatingin sa doktor

Cristy Fermin - March 31, 2017 - 12:15 AM

BLIND ITEM  FEMALE 0318

MAY mga tumatawag pala ng “water girl” sa isang pamosong singer-actress. Ganu’n ang tawag sa female personality ng kanyang mga katrabaho hindi dahil sa malakas siyang uminom ng tubig kundi dahil palaging basa ang kanyang kilikili.

Sayang, sabi ng mga becki, naabot niya ang popularidad na pinapangarap pa rin ng kanyang mga kasamahan pero hindi niya nadiskubre kung bakit palaging namamasa ang kanyang kilikili.

Kuwento ng isang mapagpansing impormante, “Two times ko na siyang nakakasama sa mga corporate shows. Una, wala kang mapapansin na ganu’n pala ang armpit niya. Pero kapag nagtagal-tagal na, mapapansin mo na lang na basang-basa na ang blouse niya.

“Nakakagulat lang, ang alam ko kasing madalas namamasa ang kilikili, e, matatabang babae, pero bakit siya, manipis naman ang body niya, pero palaging namamasa ang kilikili niya?

“Kaya iwas na iwas siyang gumamit ng mga colored fabric. Kadalasan, white lang ang isinusuot niya. Sa ganu’ng kulay kasi, e, hindi gaanong obvious ang pamamasa ng armpit,” pahayag ng source.

Sana raw magpatingin sa isang espesyalista ang singer-actress, kailangang madiskubre kung ano ang dahilan nang sobra-sobrang pamamasa ng kanyang kilikili, nakakaalarma na rin daw kasi ang ganu’n para sa babaeng personalidad.

Sabi naman ng isang source, “Di ba, parang nakakagulat ang ganu’n? Kilalang-kilala na siya, pero kapag pinansin mong mabuti ang kilikili niya, e, basang-basa!

“Hindi naman siya basketball player, hindi naman sobrang physical ang work niya, kaya nakakapagtaka kung bakit ganu’n palagi ang kilikili niya, very watery, kaya ang tawag sa kanya ng mga nakakatrabaho niya, e, water girl,” nakataas ang kilay na kuwento ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilala n’yo kung sino ang water girl na itey. Ang sister act kaya niyang may kamalditahan, basain din ang kilikili, ano sa palagay n’yo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending