Marine patay, 8 pa sugatan sa engkuwentro vs NPA
John Roson - Bandera March 21, 2017 - 02:07 PM
Isang miyembro ng Marines ang nasawi at walo pa ang nasugatan nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan ang New People’s Army sa Kalamansig, Sultan Kudarat.
Napsabak sa engkuwentro ang mga miyembro ng 2nd Marine Battalion Landing Team, sabi ni Capt. Arvin Encinas, public affairs officer ng Army 6th Infantry Division.
Nagpapatrolya ang mga kawal sa Brgy. Hinalaan dakong alas-10:40 ng umaga Lunes, nang makasagupa ang aabot sa 10 rebelde, sabi ni Encinas nang kapanayamin sa telepono.
“Sa monitoring kasi, mayroong ongoing recruitment ang NPA doon sa area. Kaya nung pag-conduct ng security patrol, na-engkuwentro ng tropa,” aniya.
Tumagal nang 20 minuto ang bakbakan bago umatras ang mga rebelde, ani Encinas.
Inaalam pa ng mga sundalo kung may nasawi rin sa panig ng mga rebelde, aniya, sabay dagdag na patuloy pa ang pagtugis sa mga ito. (John Roson)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending