Imee suportado ang death penalty ni Digong | Bandera

Imee suportado ang death penalty ni Digong

Bella Cariaso - March 19, 2017 - 12:10 AM

SA pagkakapasa ng Kamara sa panukalang batas na nagbabalik sa parusang kamatayan, lumalabas na hati ang posisyon ng pamilya Marcos, matapos namang bumoto si dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Representative Imelda Marcos matapos namang siyang bumoto laban sa death penalty.

Isa si Imelda sa 54 na bumoto ng “No” sa pagpasa ng House of Representatives sa panukalang death penalty o House Bill 4727.

Umabot sa 217 mambabatas ang bumoto ng “Yes” para ipasa ang death penalty sa ikatlo at huling pagbasa, samantalang isa ang bumoto ng abstention.

Bukod kay Rep. Imelda, kasama rin sa bumoto ng “No” sa pagbabalik ng bitay sina dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo at dating Batangas governor at ngayon ay Batangas Representative Vilma Santos.

Kapwa naman pabor sina Gov. Imee at kapatid na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagbabalik ng death penalty.

Sinabi ni Gov. Imee na iginagalang niya ang posisyon ng kanyang inang si Rep. Imelda, bagamat hindi nagbabago ang kanyang posisyon pabor sa death penalty.

Isang linggo bago ang botohan, ipinaalam na ni Rep. Imelda sa pamilya Marcos ang kanyang magiging boto sa plenaryo at iyon nga ay “No” sa death penalty.

Hindi pabor si Rep. Imelda sa parusang kamatayan dahil hindi sa hindi aniya ito makatao at hindi maka-Diyos.

Dati nang ipinatupad ang death penalty noong panahon ni dating pangulong Marcos apat na buwan matapos ipatupad ang Martial Law noong Setyembre 1972 sa harap ng tatlong milyong heroin heist, bagamat tutol na noon si Rep. Imelda sa death penalty.

Naging dahilan noon ng pagkakabitay ng notoryus na drug lord na si Lim Seng.

Pinatay ang Chinese businessman sa pamamagitan ng firing squad sa Fort Bonifacio matapos na rin ang utos ni Marcos para magsilbing babala dahil sa pananalasa ng droga noon sa bansa.

Sa panig naman ni Gov. Imee, suportado nila ni Bongbong ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga at mabitay ang mga drug lord.

“Galit kami sa drugs eh, kaya sana mapawi na itong sumpa ng droga, at kung kinakailangan magka-death penalty, okay, importante,” sabi pa ni Gov. Imee.

Sa kabila naman ng pagpabor sa death penalty, tiniyak naman ni Marcos na dadaan pa ito sa pagbusisi ng mga senador ngayong nasa kamay na ito ng Senado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tiyak din na magdedebatehan pa ito ng husto dahil na rin sa inaasahang paghahain ng mga tumututol sa death penalty ng petisyon sa Kataastaasang Hukuman para kuwestiyunin ang legalidad nito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending