Anti-drunk driving bagong pagkakaperahan ng pulis | Bandera

Anti-drunk driving bagong pagkakaperahan ng pulis

Leifbilly Begas - June 05, 2013 - 06:35 AM

 

MAY mga pulis na napangiti sa pagpirma ni Pangulong Aquino ng batas kaugnay ng drunk driving.Mukhang nakakaamoy na sila ng bagong pagkakaperahan. Bakit? Madali kayang manghuli ng lasing. At dahil sa laki ng multa at kulong bilang kaparusahan, mas mamabutihin ng marami na magbigay na lamang ng lagay.

Kung isa kang pulis at gusto mong magkapera, patambayin lang ang asset sa mga inuman.Ang gagawin ng asset, ititimbre lang kung anong sasakyan ang imamaneho ng lasing na aabangan naman ng buwayang pulis.Kung ikaw naman ang drunk driver, malamang ay maglagay ka na lang kesa makulong.

At hindi naman syempre papayag ang pulis na P20 o P50 ang iyong ibigay, sa laki ng multa ay libo ang tiyak na hihingin nito.Kaya para ‘wag makotongan, huwag uminom kung magmamaneho. Maaari namang iwanan na lang ang sasakyan at mag-taxi na lang pauwi. Huwag ubusin ang lahat ng pera sa alak, magtira para pang-taxi.

Pero ‘wag naman na-ting kalimutan ang intensyon ng batas. Ang gusto lang nito ay mas ligtas na kalsada. Walang masama sa batas, sana lang ay maipatupad ng maayos at hindi magamit para pagkaperahan ng mga buwayang otoridad.

Sa dami ng naaaksidente na lasing na driver, talagang dapat higpitan ang batas laban sa kanila. Lalo na ang mga adik na driver ng mga jeep, bus at taxi.
Kung merong maaapektuhan sa batas na ito, ‘yung mga inuman ng hindi sosyal.
Syempre ‘yung mga magmamaneho hindi na lang iinom. Bawas sa makokonsumong bote ng alak. O kaya, juice na lang ang iinumin tsaka softdrink.
Hindi naman lahat ng umiinom ay may driver at can afford na kumuha ng driver.
At hindi rin naman lahat ng babaeng naglala-sing ay merong boyfriend na susundo at maghahatid sa kanila sa bahay.

Merong memo ang Philippine Airlines. Kapag late ang pasahero—ibig sabihin wala siya sa check-in counter ng PAL 45 minutes bago ang oras ng flight kaila-ngan niyang magbayad ng P1,500.

Late check-in fee ang tawag nila. Kaya kung nakakuha ka man ng ‘promo ticket’ pero late kang dumating sa terminal, medyo malaki pa rin ang gagastusin mo.

Ibig sabihin kapag nakapila ka na pero wala ka pa sa check-in counter, magbabayad ka pa rin. Ang solusyon dito maagang pumunta sa airport.

Sana lang kapag na-late ang biyahe ng eruplano, bayaran din ng airlines ang mga pasahero.
Hindi ‘yung puro kadupangan lang ang alam gawin nitong mga airlines na ‘to.

Editor: May komento, reaksyon ba kayo sa artikulong ito? I-text ang TROPA, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending