Alden, Maine matindi ang ginagawang sakripisyo | Bandera

Alden, Maine matindi ang ginagawang sakripisyo

Jun Nardo - March 14, 2017 - 12:01 AM

maine mendoza at alden richards

NAGSAKRIPISYO kapwa sina Alden Richards at Maine Mendoza ng kani-kanilang mahabang tulog upang mag-participate sa National Breakfast Day ng food chain na kanilang ini-endorse.

Sa post ng kani-kanilang fans, nasa isang branch ng nasabing fastfood si Alden sa Sucat habang nakuhanan naman ng picture si Meng na nag-aabot ng pagkain sa drive through ng isa pang branch.

Sa isa namang food endorsement ni Maine na Funtastyk Young Pork Tocino ng CDO, nakisalamuha rin ang Phenomenal Star sa kanyang fans sa isang exclusive at intimate dinner kamakailan. Paraan na rin ito ng pasasalamat ng CDO dahil ito ang top-selling tocino ngayon na walang sawang tinatangkilik ng publiko.

Bilang bahagi ng selebrasyon, nag-post si Maine ng Maine’s Funtastyk Dares sa kanyang Facebook. Dumagsa ang daan-daang entries mula sa buong bansa at namili ng Top 20 na most creative at kakaibang entries.

Siyempre pa, naging memorable ang date ni Meng sa Top 20 winners dahil bukod sa bonggang French Mediterranean dinner, hindi rin nawala ang espesyal na putahe ng Funtastyk Tocino na may kasamang pineapple, brie at shallots.

Nagkaroon din sila ng ng oras na makasama at makausap ang Dubsmash Queen kaya feel na feel nila ang sinseridad ng kanilang idolo.

“When I really get to know and bond with my fans, young talaga ang love ko! Proud na proud ako sa kanilang lahat! Dahil number one na ang CDO Funtastyk Young Tocino, ito ang way namin para mapasaya ang loyal users namin,” pahayag ni Maine.

For the meantime, masasaksihan na this week ang mga bagong kilig adventures nina Alden at Maine sa pagpapatuloy ng Destined To Be Yours gabi-gabi sa GMA Telebabad block.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending