Gov’t exec napapraning dahil sa banta sa buhay | Bandera

Gov’t exec napapraning dahil sa banta sa buhay

Den Macaranas - March 10, 2017 - 12:10 AM

DAHIL sa takot sa kanyang buhay ay pansamantala munang hindi tumatanggap ng mga speaking engagement ang pulitikong bida sa ating kwento.

Sa mga nakalipas na buwan ay halos bahay-opisina lang ang ruta ni Sir ayon sa ating Cricket.

Kung meron man siyang dadaluhan na event ay tinitiyak niya na hindi invited doon sinuman sa kanyang mga kalaban sa pulitika.

Ilang oras bago siya dumating ay nakaposisyon na rin sa lugar ang ilan sa mga miyembro ng kanyang security detail.

Sinabi ng ating Cricket na OA na nga kung minsan dahil daig pa nil a ang mga miyembro ng Presidential Security Group.

Nag-upgrade na rin siya ng kanyang sasakyan dahil mula sa isang simpleng SUV ay isang bullet proof na Sports Utility Vehicle na ang kanyang ride ngayon courtesy ng isang dating mataas na opisyal ng pamahalaan.

Bilang bahagi ng kanyang seguridad ay paiba-iba rin ang oras ng kanyang pagpunta sa opisina.

Kamakailan ay alas-6 pa lang umaga ay nandun na sa kanyang office si Sir at habang hinihintay ang kanyang unang activity noong araw na yun ay umiidlip muna siya.

Mahirap na raw kasi baka masundan ang pattern ng kanyang biyahe kaya lagi niyang iniiba ang oras ng kanyang pasok.

Pati ang mga miyembro ng kanyang pamilya ay todo-bantay ng kanilang mga bodyguards dahil sa banta raw sa kanyang buhay.

Pero napag-alaman na malaking bahagi ng kanyang ibinibigay na allowance sa mga ito ay galing sa isang dating opisyal rin ng pamahalaan.

Matinding pabor kasi ang nagawa ng ating bida kaya malaki ang utang na loob sa kanya ng dating opisyal na hindi na muna nating pangangalanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang ating bida na nagpupumulit magmukhang matapang pero sa totoo lang ay halos ma-praning na sa kakaisip sa kanyang seguridad ay si Mr. A…..as in Ayos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending