Pupil napatay ng kapwa pupil | Bandera

Pupil napatay ng kapwa pupil

John Roson |March 09,2017
facebook
share this

Pupil napatay ng kapwa pupil

John Roson - March 09, 2017 - 05:57 PM
batangas Nasawi ang Grade 5 pupil nang mabagok ang ulo matapos suntukin ng kaklase, sa kanilang paaralan sa Tanauan City, Batangas, Miyerkules, ayon sa pulisya. Isinugod ang 10-anyos na pupil sa barangay health center at nilipat sa C.P. Reyes Hospital, ngunit idineklarang patay ng doktor, ayon sa ulat ng Batangas provincial police. Ni-refer na sa mga kinauukulan ang kinasangkutan ng 11-anyos na suspek. Naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa elementary school ng Brgy. Pantay Bata. Lumabas sa imbestigasyon na lumilipat noon ng silid ang mga Grade 5 pupil, nang suntukin ng 11-anyos sa balikat ang 10-anyos. Dahil doo’y nawalan ng balanse ang 10-anyos, nabagok ang ulo sa sahig, at nawalan ng malay, ayon sa pulisya. Inatasan na ang Regional Crime Laboratory Office-4A para magsagawa ng karagdagang imbestigasyon sa insidente.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending