Kris kay Bistek: Yes, nagkita kami sa Italy, pero wholesome po ‘yun!
SUMUSUMPA raw si Kris Aquino na walang malisya ang pagkikita nila ng dati niyang boyfriend na si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Italy noong nakaraang buwan.
Nagtungo raw siya roon para sa pilgrimage at para bisitahin ang mga “holy places” sa Europe na matagal na niyang gustong puntahan. Nilinaw din niya ang balita na magkasama sila ni Bistek sa isang hotel sa Italy.
Sa isang event kamakailan, sinabi ni Kris na “wholesome” ang naging “date” nila roon ni Herbert, “Yes,
I did see him when we were in Italy, pero very wholesome and prayerful, kasi sa Assisi kami nagkita.
So, yung lumabas doon na item, no, we did not stay in the same hotel.”
Hirit pa ng TV host, “Walang Roman Holiday na naganap kasi super-dasal naman ang ginawa namin.
And hindi kami naka-dinner, nakapag-merienda lang kami. Yun lang naman, that’s it, but yung rest of it, we remain friends.”
Kuwento pa ni Kris, “He was very kind. Nu’ng Monday, dahil nalaman niya na naaksidente ako, nagpadala siya ng lechon.
“How very pulitiko! Ha-hahaha! Kung malungkot ako o not feeling well, nagle-lechon ako. Naha-happy ako,” dagdag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.