Mga local officials, supporters ng Abu Sayyaf
NAKIPAGPULONG sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon noong isang araw sa mga lokal na opisyal ng Sulu na pina-ngunahan ni Gov. Sakur Tan II.
Dapat binalaan sila na kapag ipinagpatuloy nila ang pagsuporta sa Abu Sayyaf ay ituturing din silang gaya nang pagturing sa mga bandido.
Dapat ang sinabi sa kanila ay kahit na may kaunting hinala na sila’y sumusuporta sa mga bandidong Moro ay ililigpit sila ng gobiyerno.
Hindi lalakas ang Abu Sayyaf kung hindi sinusportahan ng mga lokal na opisyal.
May mga bandido pa nga na nagsisilbing bodyguards ng mga local officials.
***
Inutos ni Pangulong Digong na lipulin ang Abu Sayyaf.
Binigyan ng Presidente ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police hanggang June para ma-tapos ang grupong bandido.
Ang Abu Sayyaf ay sakit sa ulo ng gobyerno dahil sa mga gawain nitong pagkidnap ng mga dayuhan at kapwa Pilipino.
Isang bagay lang ang kailangan upang matigil ang gawain ng Abu Sayyaf at iyan ay pagbunot ng mga ugat nito.
Ang mga ugat ay mga purok lider, sitio lider, barangay kapitan, mayor at ang gobernador.
Kapag hindi nabunot ang mga ugat, magpapa-tuloy ang pagdami ng Abu Sayyaf kahit na ilang miyembro ang mapapatay ng gobyerno.
Kapag hindi na susuportahan ng mga lokal na opisyal ang mga Abu Sayyaf, mawawala na sila.
Kapag pinatay ang mga lokal na opisyal na sumusuporta sa kanila, wala nang tatakbuhan ang mga Abu Sayyaf.
Ang mga taong baryo ay matatakot na ring makipag-ugnayan sa kanila dahil alam nila na sila ang susunod na papatayin.
***
Alam ba ninyo kung bakit kinukupkop ng taumbayan ng Sulu ang Abu Sayyaf?
Dahil ang mga bandido ay nag-aastang Robin Hood sa kanila.
Pinamamahagi ng mga Abu Sayyaf ang mga kinikita nilang pera na galing sa ransom payments sa kanilang kidnap victims.
Noong Sipadan hostage incident noong taong 2000, nagkalat ang dolyar at pisong malalaking halaga sa Sulu dahil pinamahagi ng mga bandido ang ransom sa mga tao.
May mga local officials na naging go-between para sa Abu Sayyaf ang naging instant dollar millionaires dahil kumuha sila sa ransom payments.
***
Ang mga reports na napatay na bandidong Abu Sayyaf ay dapat may ebidensiya: mga bangkay ng bandido.
Muntik na akong mahulog sa aking kinauupuan nang mabasa ko ang isang ulat ng military na 18 bandido ang na-patay ng mga sundalo sa Sulu.
Pero ang ulat sa huli ay walang bangkay na na-recover dahil kinarga raw ang mga ito ng kanilang mga kasamahan.
Ang daling magsabi na maraming napatay pero saan ang ebidensiya?
***
Kaya’t naalala ko na naman ang yumaong Lt. Gen. Rodolfo Canieso na kinatatakutan ng mga rebeldeng Moro National Liberation Front (MNLF) noong kasagsagan ng giyera sa Mindanao noong dekada ‘70.
Noong battalion commander pa si Canieso sa Sulu, hindi siya naniniwala sa kanyang mga sundalo na ang dinala nilang mga baril ay nakumpiska sa mga napatay nilang rebelde.
“Bullshit ‘yan. Saan ang ebidensiya na pag-aari yan ng mga rebeldeng napatay ninyo?” ani Canieso.
Baka raw iniwan lang ng mga rebeldeng nakatakbo.
Kaya’t ang utos ng koronel ay pilasin ang magkabilang tenga ng bawat rebeldeng napatay ng mga sundalo at yun ang dadalhin sa kampo.
Kung si Canieso ay buhay pa ngayon baka siya rin ay tatawa sa reports na maraming napatay na Abu Sayyaf pero walang bangkay na ipinakikita.
Hahahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.