Piolo sa love scene nila ni Yen Santos: Very intense to climax!
MEMORABLE para kay Piolo Pascual ang bago niyang pelikulang “Northern Lights: A Journey To Love”. Malapit kasi sa tunay niyang buhay ang kuwento nito, lalo na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak.
Naaalala raw niya kay Raikko Mateo na gumanap na anak niya sa pelikula, ang panganay niyang niyang si Inigo Pascual na nahiwalay sa kanya noong bata pa dahil kailangan niyang magtrabaho rito sa Pilipinas.
Pero sa presscon ng pelikula kamakailan, sinabi ng aktor na hindi naman ito ibinase sa buhay nilang mag-ama, “This is not loosely based on my life. Malapit talaga, but hindi naman siya kinopya sa ganoong situationbecause hindi lang naman ako ang nagkaroon ng ganoong sitwasyon sa buhay.
“Maraming mom or dad na napalayo sa anak nila just because they had to work elsewhere.
“My son, my real life son (Inigo), nothing was forced upon and you know, when I found that he was my son, right away, I said you know, this is my son, he’s my flesh and blood.
“For the story po, hindi talaga siya based du’n sa nangyari sa akin. Kumbaga, in a sense, ganoon ang mga nangyari sa mga nagkakahiwalay na magulang at bata pero iba po ‘yung circumstance nila,” mahabang paliwanag ng Kapamilya singer-actor.
Magkasama na ngayon sina Piolo at Inigo dahil pumasok na rin sa showbiz ang kanyang anak.
Nagpapasalamat pa nga siya na active na rin sa showbiz ang binata dahil kahit paano’y nagagabayan niya ito, lalo na kapag magkasama sila sa trabaho.
***
Para naman sa direktor ng “Northern Lights” na si Dondon Santos, si Yen Santos talaga ang gusto niyang gumanap bilang leading lady ni Papa P sa movie. Nakatrabaho na niya ang dalaga sa seryeng All Of Me nina Albert Martinez at JM de Guzman kasama si Aaron Villaflor.
Banggit din ni Piolo, “Gusto ko si Yen. Sinabi ko sa kanya sa Star Magic Ball a couple of years back, hindi na niya naalaala. Nu’ng una kaming nagkita, ang ganda-ganda ng mukha niya.
“Napaka-pleasant ng aura niya. Sabi ko, bihira ‘yung ganyan talaga na, ‘your aura is different’ and talagang may star material so when this project came about, hindi ako nagdalawang-isip kasi napapanood ko siya sa All Of Me, the time that Direk Dondon pitched the concept to me.
“Napapanood ko siya, sabi ko very effective siya du’n sa role niya so hindi ako nagdalawang-isip.
“Yen is refreshing, this is her first film. Nag-draw ako sa energy niya, ‘yung excitement n’ya ‘yung pag-anticipate niya sa eksena niya, nag-enjoy ako siyempre for being in the business for quite some time already, naghahanap ka ring ng inspirasyon, and she’s one of my inspiration,” pahayag pa ni Piolo.
May kissing scenes daw ang dalawa at mahalaga raw iyon sa kuwento, “Importante ‘yung mga ganoong eksena sa mga ganitong ka-sensitive na tema because it speaks something. It speaks about closure, commitment.”
Dugtong pa ni Piolo tungkol sa love scene nila nin Yen, “It’s very intense to climax, du’n sa story namin, sa journey namin. So, kinakailangan talaga ng ganung moment for them.
“Kapag kasi emotions na yung pinag-uusapan natin, we have to express it. How do you express it to somebody you love, and that somebody happens to want to leave? You were both pushed against the wall, so that scene came about.
“Yung mga ganu’ng eksena, cinematic ang execution ng ating magaling na director. Naitawid naman,” aniya pa.
Anyway, isa pang memorable para kay Piolo ang shooting nila sa ibang bansa ng “Northen Lights: A Journey To Love.”
“Hindi ko po ipagpapalit ito sa ibang experience na nagawa ko kasi to be able to shoot abroad and to work with international crew and the story itself which is very real, very timely and at the same iba ‘yung milieu niya and it’s a treat to audience.
“Ibang lugar naman ang makikita nila and the story itself is relatable not just because of my character even kay Raikko (Mateo) and Yen marami kang puwedeng kapitan doon sa pelikula sa character,” pahayag pa ni Papa P.
Ang “Northern Lights: A Journey To Love” ay mapapanood na sa Marso 29 produced ng Regal Entertaiment, Spring Films at Star Cinema mula sa direksyon ni Dondon Santos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.