SISTERAKAS natalo na ng pelikula nina SARAH at JOHN LLOYD sa box-office, kumita ng mahigit P400M
NATALO na ng pelikula nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na “It Takes A Man And A Woman” ang “Sisterakas” nina Ai Ai delas Alas, Vie Ganda at Kris Aquino. This makes Lloydie and Sarah the new box-office king and queen of Philippine movies.
Ayon sa report, ang “It Takes A Man And A Woman” na ang pelikulang Pinoy na pinakamalaki ang kinita nitong mga nakaraang taon hanggang ngayong 2013.
Sa naitalang record, kumita na ng P401 million ang nasabing pelikula na ipinrodyus ng Star Cinema at Viva Films. Naungusan na nga nito ang “Sisterakas” na kumita noong 2012 Metro Manila Film Festival ng P391.40 million, ito’y ayon na rin sa report ng Mojo.
Kasali na sa listahan ng Top 20 Highest Grossing Films of All Time ang tatlong pelikulang pinagsamahan nina Sarah and John Lloyd. Nasa number 7 ang “You Changed My Life” na kumita ng P225.21 million at number 8 naman ang “A Very Special Love” na kumita ng 179.24 million.
Kaya nga tuwang-tuwa ang Pop Princess sa bagong tagumpay na ito sa kanyang career.
Bukod dito, successful din ang “24/SG” world concert tour ni Sarah Geronimo na nag-umpisa noong May 25 sa San Francisco.
Sinundan ito noong May 26 sa Arizona at noong June 1 sa San Diego at nitong June 2 sa Los Angeles.
Naging guest ni Sarah sa kanyang matagumpay na US concert tour si Matteo Guidecelli and Jon Santos.
Ito’y ipinrodyus ng Produced Viva Concerts & Events South Inc. at ng Redstone Media Productions.
After ng kanyang US Tour magkakaroon si Sarah ng provincial concert sa June 28 sa St. La Salle Coliseum, Bacolod City.
Pagbalik ni Sarah ay magiging abala naman siya sa pagsisimula ng The Voice sa ABS-CBN kung saan isa siya sa mga mentor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.