Oras na para pasakan ang sumosobrang bibig at dila ni Vice Ganda | Bandera

Oras na para pasakan ang sumosobrang bibig at dila ni Vice Ganda

Cristy Fermin - June 03, 2013 - 08:43 AM

May namagitan lang, pero kung wala, siguradong sasagupakin ng kaso ng GMA 7 si Vice Ganda dahil sa ginawa niyang pambabastos sa kanilang news anchor na si Jessica Soho.

At sa panlasa ng ating mas nakararaming kababayan ay panahon na para pasakan ang sumosobrang bibig at dila ng komedyanteng na ang akala ay puwedeng gawing biro-biro ang lahat ng bagay.
Sa ginawang lantarang pambabastos ni Vice kay Jessica ay lumutang tuloy ang napakalayo nilang katangian, isang kagalang-galang na babae ng bulwagang-pambalitaan at isang komedyanteng sumisigaw na nagtapos siya ng kolehiyo, pero hinahanapan ngayon ng diploma ng mga kumukuwestiyon sa kanyang asal sa entablado.

Tama, humingi na ng dispensa si Vice Ganda kay Jessica Soho, tinanggap naman ng edukadong babae ang kanyang pagso-sorry, pero sa mga binitiwang litanya ni Vice ay hinusgahan pa rin siya ng mas nakararami.

Meron pa kasing litanya si Vice na, “Ang akala ko, e, masisira na ako, hindi pa rin pala. Meron pa pala akong ilalakas.” Napakayabang niya sa ganu’ng pananalita, lalong nagalit sa kanya ang mga nagmamahal kay Jessica, dahil hindi man lang kinakitaan ng sinseridad ng mga ito si Vice sa kanyang panghihingi ng sorry.

Hindi na bago ang mga ganu’ng atake ni Vice para sa iba nating mga kababayan na dati na siyang napapanood na nagkokomedya sa entablado ng mga comedy bar. Dalawa-singko na lang ‘yun, pamilyar na, pero iba na kasi ang usapan kapag ang komedya ay dinala na sa mas malaking entablado na tulad ng Smart Araneta Coliseum at sa harap ng mga camera ng telebisyon.

Naging iresponsable si Vice Ganda sa aspetong ‘yun. Itinuring niyang baril ang mikropono nu’ng lait-laitin niya ang timbang ni Jessica Soho, kaya nga lang, bumalik din sa kanya pagkatapos ang mga bala na pinakawalan niya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending