Makakaahon pa ba sa mga pagkakautang?
Sulat mula kay Chona ng Dulong Tanyag, Taguig City
Dear Sir Greenfield,
Bakit kaya ganon, pareho na kaming nagta-trabaho ng mister ko at may tatlong anak patuloy pa rin kaming nababaon sa mga pagkakautang. Wala kasi kaming sariling bahay kaya nangungupahan pa kami, kaya lalong lumalaki ang gastos namin buwan-buwan. Itatanong ko lang po kung makakaahon pa kaya kami sa mga pagkakautang at matutupad pa kaya ang pangarap kong magkaroon kami ng sariling lupa at bahay kahit maliit lang para hindi na kami umuupa buwan-buwan. At sana mabigyan nyo rin kami ng paraan kung paano makakaahon sa kahirapan at magkakaroon ng isang matagumpay at maunlad na pamilya. October 14, 1978 ang birthday ko.
Umaasa,
Chona ng Taguig City
Solsuyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Travel Line sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ang ibig sabihin nito, kung hindi ikaw ang makapag-aabroad maaaring ang mister mo o dili kaya’y kung wala sa inyong mag-aabroad na mag-asawa, isa sa mga anak mo ang makapangingibang bansa na siyang magaahon sa inyo sa kahirapan.
Cartomancy:
Samantala, ganap na ngang nilinaw ng mga baraha lumabas, tulad ng Nine of Diamonds, Jack of Clubs at Four of Diamonds, (Illustration 1.) na nagsasabing ang mister mo ang makapag-aabroad, at matapos ng mahigit apat na taong pangingibang bansa ng iyong asawa, makapagpupundar na rin kayo ng sariling lupa at bahay hanggang sa tuloy-tuloy ng maka-aahon sa kahirapan.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.