Tulong sa 259 pamilya na nasunugan sa Cebu City tiniyak
BINIGYAN ng tulong ang 259 pamilya na nasunugan sa Barangay Tisa, Cebu City, noong Lunes, kung saan iniimbestigahan na rin ng lokal na pamahalaan ang pinagmulan nito na nagsimula umano sa pag-aaway ng mag-asawa.
Inilagay na ang apat na sitio ng Barangay Tisa sa state of calamity matapos ang pitong oras na sunog na naging dahilan para mawalan ng bahay ang 259 pamilya.
Umabot ng 185 na kabayahan ang natupok sa sunog na nangyari sa pagitan ng Barangay Tisa at Barangay Labangon.
Batay sa pagtaya ng mga otoridad, umabot sa P1.5 milyon ang kabuuang halaga na natupok dahil sa sunog.
Wala namang nasaktan sa nangyaring sunog.
Kabilang sa apat na apektadong sitio sa Barangay Tisa ay ang Lutaw-lutaw, Tacao, Luhai, at Kauswagan.
Tatanggap ng P20,000 ang bawat apektadong pamilya mula sa lokal na pamahalaan ng Cebu City.
Sinabi ni Barangay Tisa Captain Philip Zafra na nakatanggap siya ngu lat na ibinato ng mister ang isang nakasinding lampara sa kanyang misis habang nag-aaway sa loob ng kanilang bahay na naging dahilan ng sunog.
May ulat namang naiwan ng mag-asawa ang kanilang anak na mag-isa sa bahay gamit ang isang nakasinding lampara na aksidenteng nahulog matapos ang hatinggabi noong Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.