Susuwertehin pa ba sa pag-aasawa? (2) | Bandera

Susuwertehin pa ba sa pag-aasawa? (2)

Joseph Greenfield |February 22,2017
facebook
share this

Susuwertehin pa ba sa pag-aasawa? (2)

Joseph Greenfield - February 22, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Rossana ng Acop, Rosales, Pangasinan

Problema:

  1. Bakit kaya malas ako sa pag-aasawa, kasi po ang dami-dami ko ng naka-relasyon pero ni isa ay walang nagtagal? Dalawang beses po akong naanakan ng magkaibigang lalaki at iniwan din ako ng luhaan. Pagkatapos nagkaroon pa ako ng mga boyfriend na hindi na mabilang, pero tulad ng nauna parepareho din silang nawala sa akin.
  2. Sa edad ko po bang 38 years old na sa ngayon may pag-asa pa kaya akong makasumpong ng isang seryoso at pang habang buhay na ka-relasyon. February 13, 1979 ang birthday ko.

Umaasa,

Rossana ng Pangasinan

Solusyon/Analysis:

Astrology:

Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) ang nagsasabing sa muling pag-aasawa, siguradong magiging maligaya ka na, dahil ang matatagpuan mo ay saktong ka-compatible mong lalaki na may zodiac sign na Libra.

Numerology:

Ang birth date mong 13 ay nagsasabing bukod sa isang Libra bagay na bagay ka rin sa isang lalaking isinilang sa petsang 7, 16 at 25. Ganyang birth date ang dapat mong hanapin upang makatagpo ka na ng permanente at pang habang buhay na relasyon.

Luscher Color Test:

Upang hindi na muling mabigo sa pag-aasawa, iwasan mong magsuot ng kulay na kumbinasyon ng itim at pula. Iyan kasing kulay na iyan ang nagbibigay sa iyo ng malungkot na relasyon at kapamahakan sa pag-ibig. Sa halip berde at dilaw na lang ang lagi mong isuot na kulay. Sa nasabing kulay gaganda na ang iyong kapalaran.

Huling payo at paalala:

Ayon sa kapalaran mo Rossana, tapos na ang panahon ng pagkasawi at kalunkutan sa pag-ibig at ang pagtatapos ng mga kalungkutang ito ay siya rin namang magiging pasimula ng masasayang tagpo sa buhay pag-ibig mo at sa aspetong pakikipagrelasyon na nakatakdang mangyari at  maganap sa taong 2019 sa edad mong 40 pataas. Sa panahong tinuran isang lalaking mas bata sa iyo ang darating, mamahalin ka nya ng tunay at dalisay, hanggang sa tuluyan mo siyang mapangasawa at maksama sa pagbuo ng isang mas masaya at pang habang buhay ng pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending