Liza maraming isinakripisyo para kay Ice: Mahal na mahal kita!

Liza maraming isinakripisyo para kay Ice: Mahal na mahal na mahal kita!

Ervin Santiago |May 16,2024
facebook
share this

Liza maraming isinakripisyo para kay Ice: Mahal na mahal na mahal kita!

Ervin Santiago - May 16, 2024 - 07:00 AM

Liza maraming isinakripisyo para kay Ice: Mahal na mahal na mahal kita!

Liza Diño at Ice Seguerra

PINUSUAN at ni-like ng mga netizens ang appreciation post ng aktres at producer na si Liza Diño para sa kanyang asawang si Ice Seguerra.

Nagbahagi ang dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines o FDCP ng kanyang message para sa 11th commitment anniversary nila ni Ice sa pamamagitan ng Facebook.

Kalakip ang kanilang sweet photo together, inisa-isa ni Liza ang mga bagay na kinarir niyang gawin upang mapatunayan ang wagas na pagmamahal niya sa husband niyang OPM icon.

Baka Bet Mo: Hugot ni Pauleen sa kanyang mommy at daddy: Buti na lang sila ang naging magulang ko!

In fairness, marami palang isinakripisyo at binago si Liza sa nakasanayan niyang lifestyle noong hindi pa dumarating sa buhay niya si Ice, kabilang na riyan ang pagsusuot ng stilettos at pagme-make-up nang bonggang-bongga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino)


Narito ang kabuuang message ni Liza kay Ice.

“It has been 11 years since….

“I committed to stop wearing high heels esp pag kasama ka.

“I committed to wearing just jeans and shirt para di ako magmukhang matured.

“I committed to not wearing too much makeup dahil sabi mo mukha akong matanda.

“I’ve accepted na kahit two years lang ang agwat natin mukha tayong magnanay.

“I’ve embraced the fact na san mang lupalop ng mundo, may nakakakilala sa’yo. 

“I’ve committed to love everything that you are and you are not.

“I’ve accepted that I sometimes really do play the role of a Nanay to you.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra umaming tsine-check pa rin ang mga ex-dyowa, OK lang kaya kay Liza Diño?

“I’ve realized I’m willing to sacrifice my personal dreams just to support yours. 

“I found happiness in seeing you succeed and becoming better and better at your craft.

“Ive made it my mission to be your biggest fan as well as your most honest critic.

“I told myself over and over how lucky am I to have found my forever in you.

“HAPPY 11th COMMITMENT ANNIVERSARY SA’TIN and CONGRATULATIONS SA SOLDOUT CONCERT!!!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino)


“So proud of you my love. Mahal na mahal na mahal kita!!!”

Ang tinutukoy ni Liza na concert ay ang “Videoke Hits” na ginanap last weekend sa Music Museum na isa sa pinakamaganda at pinakamasayang concert na napanood namin sa mga nakalipas na taon.

Sa mga hindi nakapanood last May 10 and 11, magakakaroon ito ng repeat sa darating na June 1.

“You asked for it! Ice Seguerra’s sold out concert, Videoke Hits is having a repeat on June 1 at the Music Museum!’ Kapag videokahan talaga, hindi pwedeng one or two rounds lang eh. Haha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa lahat ng mga gustong umulit o naubusan ng tickets, this is your chance to experience the ultimate videoke event of the year!” ang caption sa announcement ng Fire And Ice, ang producer ng “Videoke Hits” na pag-aari nina Liza at Ice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending