Hugot ni Pauleen sa kanyang mommy at daddy: Buti na lang sila ang naging magulang ko!
MARAMING na-touch sa emosyonal na appreciation post ng “Eat Bulaga” Dabarkads na si Pauleen Luna para sa kanyang mga magulang.
Ibinandera ng misis ni Bossing Vic Sotto ang abot-langit na pagmamahal at pagpapasalamat sa kanyang parents na sina Eugenio at Chat Luna.
Proud na proud si Pauleen sa pagkakaroon ng mga magulang na walang inisip kundi ang kanyang kabutihan na hindi raw bumitiw sa pag-alalay sa kanya para magtagumpay sa buhay.
Nag-post si Poleng sa Instagram ng litrato ng mga magulang gamit ang trending na hashtag ngayon na #IDontSayThisEverydayBut.
Aniya sa caption, “#IDontSayThisEverydayBut I am the person, the wife and the mom that i am today because of my parents.
“Looking back, I realize how big of an impact my parents had made in my life.
“My parents taught us by example and believe me, I still take them with me up to this day,” pahayag pa ng celebrity mommy.
Pagpapatuloy pa ng TV host-actress, “My wish is to be at least half of the mom my mom was to me.
“The amount of sacrifice she put in, the way she took care of us, yung faith niya kay Lord, grabe.
“And my dad who puts his family first NO MATTER WHAT, puts our needs before his and his loyalty to his family and to my mother is such a #GOALS!” lahad pa ng asawa ni Bossing.
Ipinagdiinan din ni Pauleen na ang lahat ng natutunan niya mula sa pangaral at paalala ng mga magulang ay bitbit pa rin niya hanggang ngayon at nagagamit naman niya sa sarili niyang pamilya.
“Now that I have my own family, I can look back and say, buti na lang sila ang mga naging magulang ko.
“I will always be grateful for their undying love, support and care for us.
“My parents have shaped me into the person i am today and that is something I will always thank the Lord for,” ang tagos sa puso pang mensahe pa ni Pauleen Luna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.