Kagawad, 1 pa patay sa ambush | Bandera

Kagawad, 1 pa patay sa ambush

John Roson - February 09, 2017 - 04:50 PM
batangas Nasawi ang isang barangay kagawad at isang lalaki nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa Tanauan City, Batangas, Miyerkules ng hatinggabi. Kapwa dead on the spot si Erineo Ambita, residente’t kagawad ng Brgy. Bagbag, at isang Gaudencio Salazar, ayon sa ulat ng Batangas provincial police. Naganap ang pamamaril sa Brgy. Bañadero dakong alas-11:45. Nagmamaneho ng tricycle si Ambita, sakay sina Salazar at Rufo Narvaez, nang unahan at harangin ng isang sasakyan. Bumaba sa sasakyan ang isang lalaki at biglang pinaulanan ng bala ang mga nasa tricycle, ayon sa ulat. Agad ikinasawi nina Ambita at Salazar ang mga tanamong tama ng bala, habang si Narvaez ay pinalad na di tinamaan. Natagpuan sa crime scene ang anim na basyo at dalawang slug ng kalibre-.45 pistola. Naglunsad na nang dragnet operation sa buong lalawigan para maharang ang salarin, na agad tumakas matapos ang pamamaril.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending