103 kongresista umapela kay duterte na ituloy ang peace talk
Umabot sa 103 kongresista ang sumuporta sa resolusyon na nananawagan kay Pangulong Duterte na ituloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front-New Peoples Army.
Ang House Resolution 769 ay inakda ng 30 partylist congressman, 20 kongresista mula sa Mindanao, 11 sa Visayas at 42 sa Luzon.
Ayon sa resolusyon mahalagang irekonsidera ang posisyon ng gobyerno dahil malayo na ang narating ng usapang pangkapayapaan.
“WHEREAS, it is highly imperative that this Congress hear the Filipino people’s desire to support the resumption of the peace negotiations. It is just and lasting peace itself that is the very compelling reason to continue the peace negotiations,” saad ng resolusyon.
Noong Pebrero 5 ay inanunsyo ni Duterte ang pagkansela sa peace negotiation at sinabi na ipagpapatuloy lamang ito kung mayroong mabigat na rason.
Ito ay nangyari matapos na kanselahin ng New Peoples Army ang unilateral ceasefire na idineklara nito.
“WHEREAS, termination of the peace talks was announced just barely two weeks after what has been a successful third round of talks, held in January 19-25 at Rome Italy, with both panels achieving significant advances from the major issues…”
Kung ikukumpara sa mga nagdaang administrasyon, mas malayo umano ang narating ng peace talk ngayon bagamat wala pang isang taon sa puwesto si Duterte.
“,,,,,terminating the same would only put to waste the unprecedented, positive and substantial gains the peace talks have reached.”
30
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.