Male singer minsan nang iniwan ni misis dahil sa pambababae
SIMPLE lang tingnan ang isang kilalang male personality pero marami siyang ginagawang milagro. Parang wala siyang hilig sa kababaihan pero ‘yun ang naging dahilan ng minsang pang-iiwan sa kanya ng ina ng kanyang mga anak.
Hindi siya kaguwapuhan, napakaordinaryo ng kanyang itsura, pero naman, may ibang nagsasalita para sa kanya, ang mga kanta niyang tumatalab sa puso.
Kuwento ng isang kaibigan ng pamosong male personality, “Simple lang siya, ni hindi mo nga siya makikitang nakikipaglapit sa girls. Ang ibang katropa niya, e, chickboy na chickboy ang dating, pero siya, e, parang deadma lang!
“Pero walang kaalam-alam ang mga kasamahan niya, meron na pala siyang nabingwit, meron na pala siyang nakapalitan ng CP number. ‘Yun na ‘yun!
“Simple lang ang male singer, pero rock! Kaliwa’t kanan ang girls niya, sa totoo lang, pero hindi mo ‘yun mapapansin,” kuwento ng aming impormante.
Pero wala ngang lihim na hindi nalalantad, mismong misis ng male singer ang nakadiskubre sa kanyang mga kalokohan, iniwan siya ng ina ng kanyang mga anak.
“Dinala ng wife niya ang mga bagets, walang iniwan sa kanya kahit isa lang, dala-dala rin ni misis ang mga kasambahay nila. ‘Yun na! Wala siyang magawa kundi ang sunduin ang mag-iina niya dahil miserable ang naging buhay niya.
“Mula nu’n, e, nag-behave na ang lolo n’yo, iniiwasan na niya ang mga babaeng nakikipag-close sa kanya, deadma na siya sa mga tukso, bumait na siya,” kuwento uli ng aming kausap.
Kung kanta ang pag-uusapan ay isa siya sa mga hindi makakalimutan ng mga Pinoy, magaganda ang kanyang mga piyesa, hindi kumpleto ang videoke night kapag walang bumabanat ng mga komposisyon niya.
“Pangako sa inyo, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo siya. At kung kailangan n’yo ang clue, ayan na!” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.