Barbie: Ako ang pinakamalandi, walang tatalo! | Bandera

Barbie: Ako ang pinakamalandi, walang tatalo!

Jun Nardo - February 05, 2017 - 12:05 AM

barbie forteza

NAAPEKTUHAN din personally si Barbie Forteza sa mga kilig scenes nila ni Ivan Dorschner. Rason ng GMA Primetime Princess, “Kasi hindi naman magiging effective ‘yung scenes kung hindi naman talaga ako as a person. As a person, o! Ha! Ha! Ha!”

“Pero hindi naman to the extent na pepersonalin ko dahil nabasa ko naman ang script. Alam ko naman kung saan pupunta ang story ko with each of them,” sey pa niya.

So matapos ang ilang araw ng taping na kasama sina Ivan, Addy Raj, Ken Chan at Jak Roberto, ano na ang masasabi sa mga ito?

“Si Addy, mabilis siyang matuto. Mabilis siya makapa-pick up ng instructions. Teka, isa-isa muna. Good for Addy ‘yon kasi nga first acting project niya ito. Hindi siya nahirapang mag-adjust agad. Kumbaga, kung tinutulungan namin siya, konti lang. ‘Yung lahat ng work na ‘yon, galing sa kanya.

“Saka sobrang ma-effort si Addy. Kasi pinapa-translate niya ang buong script. As in buong script. Meron siyang translator.

“Si Ivan, ‘yung style ng pagtatrabaho niya, para na siyang nanalo ng Oscars. ‘I need to read the script first!’ Ganoon. Sobrang OC (obsessive-complusive) sa script, sa time, sa scenes. Concerned siya sa buong show,” rason niya kay Ivan.

Pero ayon sa ilang staff, sobrang sweet ni Barbie kay Ivan, huh! “Hindi lang kasi siya sa akin malambing pero opo! Malambing siya sa lahat,”

Sino ang pinakamalandi naman sa kanya? “Pinakamalandi? Ako pa lang yata so far. Wala pang tumatalo sa akin!” diin ni Barbie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending