Sa may may reklamo sa kanilang employer, kasama na ang Overseas Filipino Workers (OFWs), maaaring lumapit ang sinuman sa tinatawag na SENA o Single Entry Approach.
Ito ay isang sistema kung saan sasailalim sa 30-araw na pagpupulong ang dalawang partido upang magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan at walang gastos na pamamaaraan ng pagkakasundo sa lahat ng usapin ukol sa paggawa upang hindi na ito lumala pa.
Napatunayang epektibo ang alternatibong pamamaraan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagsasaayos ng hindi pagkakaunawaan ng mga suliranin sa paggawa matapos mabenepisyuhan ang mga manggagawa, partikular ang mabilis na pagresolba ng kaso ng mga overseas Filipinos workers (OFW).
Karaniwang umaabot lamang ng anim na araw ang pagresolba ng mga kasong may kinalaman sa OFW na idinadaan sa SENA.
Nakatulong ang SENA na mabawasan ang sistemang “turu-turuan” sa paghahain ng kaso, kung saan ang nagrereklamong OFW ay ituturo mula sa isang opisina patungo sa ibang opisina na nakakapinsala sa interes ng manggagawa.
Nitong huling 11 buwan, tumanggap ng iba’t ibang Requests for Assistance (RFA) ng mga kasong may kinalaman sa OFW tulad ng paglabag/pagpapalit ng kontrata, hindi pagbabayad ng sahod at overtime pay, hindi pagbibigay ng end-of-service benefit, pang-aabuso, hindi magadang kondisyon sa paggawa, at pagsasauli ng pasaporte at/o iba pang dokumento.
Umabot sa 5,067 kaso ang naresolbahan, samantalang 5,273 RFAs ang naisaayos, na may 95 percent disposition rate at 91 percent settlement rate. Ang mga nasabing kaso ay may monetary benefit na P132,919,057.20, at ibinigay ng OWWA sa 5,671 OFWs.
Ang mga datos na ito ng disposition at settlement rate sa pagpapatupad ng SENA ay magandang indikasyon na may kakayahan ang ahensiya na ayusin ang mga kaso ng OFW,
Administrator Hans Leo J. Cacdac
Overseas Workers Welfare Administration
OWWA
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.