Dingdong kailangan nang mamili: si Megan o si Andrea? | Bandera

Dingdong kailangan nang mamili: si Megan o si Andrea?

- January 31, 2017 - 12:01 AM

15356551_1223851444375417_8448263804956041406_n

NARITO ang mga kaabang-abang na eksena sa Alyas Robin Hood pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad: Sa presinto muling nagharap sina Judy (Jaclyn Jose) at Maggie (Cherie Gil).

Nagkaroon naman ng emergency si Dean (Sid Lucero) dahil alam na ni Sarri (Megan Young) ang totoo.

Sarri told Dean na niloko lang siya nito. Agad na tumakas si Sarri. Humingi ng tulong si Dean kina Chino (Mark Anthony Falcon) at Llama (Michael Flores), kaya wala nang magawa ang goons kung hindi iwan ang nag-aaway na sina Pepe (Dingdong Dantes) at Venus (Andrea Torres), thinking na papatayin nga ng dalaga ang kaaway na binata.

Pero nang makaalis ang goons, agad na nagbati sina Pepe at Venus. Set-up din pala nila ito para lituhin sina Chino at Llama. Together with Frida (Antonette Garcia), Jekjek (Gio Alvarez), and Junjun, sinundan nina Pepe at Venus ang sasakyan ng goons. Nakarating sila sa lugar kung saan talaga nakakulong si Julian (Dave Bornea).

Parehong mabibihag nina Chino at Llama sina Venus at Sarri. Ang tanong ngayon kay Pepe: sino ang ililigtas niya sa dalawa?

Makakahanap ng tiyempo si Sarri at ibabato ang sandata ni Pepe sa kanya. Itututok ni Chino ang flame thrower niya kay Pepe pero maiiwasan niya ito, iyon nga lang kakaiwas niya ay muntik na itong tumama kay Sarri. Mabilis na kikilos si Venus para isalba si Sarri. Patatakasin sila ni Pepe at haharapin sina Chino at Llama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending