Troy Rosario dagdag pwersa sa bagong Gilas pool
Karagdagang pwersa ang hatid sa bagong Gilas Pilipinas pool ni TNT KaTropa forward Troy Rosario matapos makakuha ng clearance mula sa pamunuan ng nasabing koponan at PBA Board.
Ito ang masayang inanunsyo ni national team head coach Chot Reyes Martes ng hapon sa kanyang Twitter account na @coachot.
”After getting clearance from TNT mgt & the PBA Board, we are hereby adding @troyrosario18 to the Gilas pool #LabanPilipinasPuso!”
Sa pagkakasali ni Rosario sa ngayo’y 25-man pool ng Gilas- na sinasabing pinakamatangkad sa lahat ng binuong pool- makakaasa si Reyes hindi lamang sa opensa at depensa sa loob kundi maging sa mahusay na outside shooting ni Rosario.
Naglaro ang 25-anyos mula National University para sa Gilas noong 2016 Fiba Olympic Qualifying Tournament.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.