Singson walang paki kung malugi sa Miss U; gastos umabot na sa P700-M | Bandera

Singson walang paki kung malugi sa Miss U; gastos umabot na sa P700-M

- January 18, 2017 - 12:01 AM

miss italy sophia sergio at maxine medina

KUMPLETO ang 86 kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo para sa 65th edition ng Miss Universe pageant sa ginanap na Governor’s Ball sa SMX Convention Center sa Pasay kamakalawa.

Karamihan sa mga dumalo sa event ay mga taga-alta sosyedad, kabilang na ang mga executives ng pageant sponsors tulad ng Okada Manila, Solar Entertainment, SM Lifestyle Entertainment at marami pang iba. Siyempre, present din ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach na excited na sa gaganaping grand coronation night sa Jan. 30.

“I can’t wait to meet them and hear their stories and hear their experience since they’ve been here. I look forward to making new friends now that I’m here,” pahayag ni Pia sa panayam ng entertainment media.

Ang nasabing event ay ipinangalan kay former Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na siyang punung-abala sa kabuuan ng Miss Universe pageant dahil sa kanyang pagiging sponsor. Ang Governor’s Ball ay para na rin maka-create ng awareness sa Pass It Forward (PAI), isang fund-raising site para sa iba’t ibang advocacy. Ang ticket ay nagkakahalaga ng P18,000 hanggang P25,000.

In fairness, nag-shine naman ang ating bet na si Maxine Medina nang rumampa on stage with her scarlet red, strapless gown na gawa ni Rhett Eala.

Samantala, nabatid na nahilo at hinimatay daw si Miss Italy Sophia Sergio during the candidates’ roll call. Pinayuhang magpahinga muna sandali ang kandidata at makalipas nga ang ilang minuto ay bumalik uli sa venue ang dalaga at sinabing okay na okay na siya.

Ilan sa mga Pinoy performers na umapir sa event ay sina Jed Maddela, Radha, Frenchie Dy at Jonalyn Viray na siyang kumanta ng official theme song ng Miss Universe titled “Confidently Beautiful.”

Ang iba pang umattend sa Governor’s Ball ay sina Department of Tourism Sec. Wanda Teo, Sen. Manny Pacquiao, Miss Universe 1973 Margie Moran, Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa, Dawn Zulueta, Gretchen Barretto at Manila Mayor Joseph Estrada.

q q q

Inamin naman ni Gov. Chavit Singson na handa na siya sakaling “malugi” sa pagiging sponsor ng Miss Universe. Aniya, umabot na sa 14 million US dollars (o humigit-kumulang P700 million) na ang nagagastos nila sa nasabing pageant.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa ng dating governor, ginagawa niya ang lahat ng ito para sa bansa at naniniwala siya na malaki ang maitutulong ng Miss U sa Pilipinas sa ating turismo.
“So far, tuloy tuloy pa ang gastos. Hindi namin alam kailan hihinto ito. Hindi naman pwedeng umatras na,” ani Singson. “Hindi na namin iniisip na ma-recover but for sure baka malugi na kami dito dahil continuous ang gastos,” dagdag pa niya.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending