Adik, 'five-six' at sugal | Bandera

Adik, ‘five-six’ at sugal

Jake Maderazo - January 16, 2017 - 12:10 AM

MATINDI ang plano ng Duterte administration na sabay-sabay lutasin ang mga malalaking problema sa adik, 5/6 at sugal ng mamamayan ngayong 2017. Mga katiwaliang kinunsinti at kinwartahan ng mara-ming otoridad sa nakalipas na panahon

Bakit dumami ang “Bumbay”? Hindi ba’t dahil naging pabaya o nalagyan ang mga taga-Bureau of Immigration, Dept of Finance, DILG at mga mayors sa nakalipas na panahon?

Sa aking pagkakaalam, malakas din ang lobby group nitong mga “Bumbay” sa Immigration at maging sa mga pulis. At siyempre meron din silang “regular na intelehensya”.

Sino ang nakinabang diyan mula nang maupo si Duterte?

Sa isyu ng droga, ba-kit nga ba umabot ng 4 milyon ang mga adik sa bansa? Hindi ba’t dahil mga mismong pulis mula sa mababang ranggo pataas hanggang General ang “pusher” at sindikato?

Ngayong 2017, tatapusin na raw ni PNP chief Ronanld de la Rosa ang problema ng droga. Bukod diyan, magkakaroon na ng mga “regional rehab centers” para sa mga adik bukod pa sa mga mega rehab sa Fort Magsaysay at iba pa.

Pero, matatapos nga ba ang droga kung ganitong iilan pa lang “big time” druglords ang nasasakote?

Ano na ang nangyari sa babaeng drug supplier ni Kerwin Espinosa na ilang beses niyang binanggit sa Senate at house hearings. Si Lovely Adam Impal ay sumuko noong Dec. 8 kay Gen. Bato, pero nakakapagtakang hindi nai-prisinta sa media. Bukod diyan, ni-release ito sa custody Dec. 16 nang walang kasong naisampa. Bakit?

Nasaan na ang mga “ninja cops”? Bakit wala pang nasisibak na mga heneral, koronel at iba pa na sangkot sa droga ma-tapos ang 6 months ni Gen. Bato? Puro lang ba porma si Bato pero wala namang aktwal na paglilinis sa mga corrupt na pulis na nakinabang sa droga? Mr. General, tigilan niyo na ang pag-emote sa media at simulan nang walisin ang corrupt sa PNP. Parang nawawala na ang bilib ng tao sa inyo.

Isa pa, bakit laganap pa rin ang “jueteng”, “bookies sa karera”, illegal jai-alai, masiao at iba pa? Hindi ba’t dahil sa protection money ng mga police directors sa Crame pababa sa bawat presinto mula sa kilalang jueteng o gambling lords?

Ngayon, pagtutuunan na raw ito nang pansin. Isipin niyo, anim na buwan nang nakaupo itong Duterte administration at maswerte ang mga gambling lords na patuloy na namamayagpag din at hindi nagalaw.

Kanino kaya napunta ang regular na “intelehensya” para sa mga opisyal ng PNP mula Hulyo hanggang Disyembre? Imposible namang walang tumanggap, hindi po ba?

Maganda ang balak ni Presidente, ilagay lahat ng legal sa ilalim ng STL at ang benepisyo’y mapupunta sa PCSO at sa mga mahihirap na maysakit.

Pero, magkatotoo kaya ito? Habang dinedebate ang isyu at ang “status quo” ang umiiral, tuloy ang intelehensya ng mga pulis mula sa jueteng lord.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabuuan, maganda ang mga plano ni Duterte laban sa droga, five six at ilegal na sugal. Ang kaso, lahat ng ito’y “dilihensyahan” ng mga opisyal ng PNP kayat napakarami na ang nagsiyaman sa pwesto dahil dito. At ang matinding kwestyon, makontento kaya sa dobleng sweldo ang mga pulis at talikuran ang corruption? Parang di yata ako maniniwala!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending