Pakakasalan na ba ng boyfriend ngayong 2017? | Bandera

Pakakasalan na ba ng boyfriend ngayong 2017?

Joseph Greenfield - January 12, 2017 - 01:33 PM

Sulat mula kay Raquel ng Anao, Mexico, Pampanga
Dear Sir Greenfield,

May pangako pos a akin ang boyfriend ko na ngayong taon daw pong ito kami magpapakasal. Inisilang po ako noong April 1, 1987 at August 16, 1986 naman po ang boyfriend ko na nasa abroad. Uuwi daw po siya at pagkatapos ay mag aayos na kami ng mga papeles. Itatanong ko lang po kung tototohanin kaya niya ang kanyang pangako at kung kami na talaga ang magkakatuluyan. Sa ngayon po kasi bale tatlong taon nap o ang relasyon namin at nagsimula ito noong nandito pa siya sa Plipinas.
Umaasa,
Raquel ng Mexico, Pampanga
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw, makapal at mahabang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung sinomang lalaki ang unang napusuan mo at minahal, walang duda siya na ang makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Seven of Hearts at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.) ang mga baraha ang nagsasabing walang pagdadalawang isip, sa taong ito ng 2017 matutuloy ang pauwi ng boyfriend mo upang magpakasal na kayo at ang pagpapakasal na nabanggit ang magiging simula upang tuloy-tuloy ng umunald ang buhay mo lalo na sa aspetong pang materyal.

Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending